Katty’s POV Sa lahat ng lalaking nagmamaliit sa aming mga babae, maraming salamat sa inyo dahil mas lalo lang kaming nagkaroon ng motibasyon na patunayan sa inyo na hindi lang kami babae lang. “Hindi ako babae lang. Babae ako na kaya rin gawin ang ibang mga bagay. Bakit takot ka bang matalo sa deal na ‘to, Mr. Chan?” Nakangising tanong ko sa kanya. “Indeed, you belong to Peterson Family,” Mr. Chan said. “So, can I continue the game?” I asked. “Of course, you can, Ms. Peterson” Mr. Chan said at inabot sa akin ang wedge na hawak niya. Papatunayan ko na kaya ko siyang matalo. Ipapakain ko sa kanya ang mga salitang sinabi niya tungkol sa pagiging babae ko. Papatunayan ko sa lahat na maling maliitin kaming mga babae. “Bumalik ka na lang sa upuan mo, Katty. Huwag ka n