Katty’s POV Totoo pala na nakakataba ng puso kapag gumawa ka ng simpleng bagay pero sobrang na appreciate ng tao lalo na kapag ang taong mahal mo ang naka appreciate nito. Simple lang naman pero para sa kanya sobra-sobra na kaya mahal na mahal ko ang lalaking ‘to eh. “Patrick,” tawag ko kay Patrick na nagmamaneho. “Bakit?” Tanong niya sa akin pero nasa kalye pa rin ang tingin niya. “Anong mayroon sa lupa na pagmamay-ari ni Mr. Chan at gustong-gusto mo ‘yun? May yamashita treasure ba dun? At saan rin ba ‘yun?” Tanong ko sa kanya. Kanina ko pa iniisip kung bakit ang lupa ni Mr. Chan ang gustong-gusto niya samantalang pwede naman siyang bumili ng kahit anong lupa pero sinugal pa rin niya ang sarili niya para sa lupang ‘yun. “Nasa Guimaras lang rin ang lupang binili ko