"Wala kang karapatan na kuwestiyunin ang intensiyon ni Gael." Mariing pahayag ni Alison bilang sagot sa makahulugang tanong ni Jax. Marahas niyang kinuha mula rito ang hawak na kandila. "Bakit mo ako gustong pakasalan, Jax Evangelista? Anong intensyon mo?" "Dahil iyon ang nais ng aking pamilya." Walang alinlangan na sagot nito sa kanya. She almost frowned at that response. Simula pa lamang noong una ay hindi na niya kinatigan ang tradisyon na iyon. Nang mapansin ng binata ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon ay bahagya itong humalakhak. "Siguro'y hindi mo maiintindihan dahil hindi ito ang kinalakihan mo. Ngunit para sa amin, nasa ibabaw ng pansariling kagustuhan ang karangalan ng aming pamilya. And you have to realize, Gael grew up like us." Natigilan siya sa sinab