Chapter 22

1611 Words

Hindi nakatawag si Steven ngayong gabi dahil nakalimutan niyang dalhin ang cellphone niya. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari. Aaminin kong natatakot rin ako. Alam ko kasing hind imaging madali sa’min ang lahat ngayon. "Mama,si papa?" Napatingin ako sa orasan at dis oras na ng gabi. Hindi ko alam kung makakauwi pa ba si Steven ngayon. "Nasa work pa niya anak. Tulog ka na ulit, gigisingin ka namin pag-uwi ni papa." Nakangiting sabi ko. Naghikab siya at natulog rin agad. Pinilit kong makatulog pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Tumayo ako ulit para kumuha ng tubig. Nagulat ako ng maabutan si Steven sa sofa na nakaupo at malalim ang iniisip. Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na lumabas ako ng kwarto. Hindi ko alam kung kanina pa kaya siya diyan at nakatunganga lang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD