When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"Saan ka pupunta? Sama na kami." Napairap ako dahil ilang beses na niyang sinabi ito. "Yes mama. Sama kami ni papa." Isa pa ‘to. Mag ama nga sila. "Hindi pwede anak. Ma bo-bored lang kayo ni papa.” Sabi ko dito. Humaba ang nguso niya kaya napabuntong hininga ako. “May bibilhan lang si mama sandali. Mauna na kayo sa sasakyan. Ayos lang ba yun sa’yo anak?" Tumingin si Hivo sa papa niya bago ako tignan muli. "Masa-sad po si papa, mama." Saglit kong pinagdilatan ng mata si Steven saka tinignan muli ang anak namin na mukhang kampi na lagi sa papa niya. Nakakatampo na minsan. "Naku! Hindi sad si papa anak. Naiintindihan kasi ni papa e. Diba papa?" Tumingin ako kay Steven at ngumiti. Ngiti na alam na niyang pag humindi siya ay malalagot siya sa'kin. Nakita ko ang paglunok nito nang ilang bes