Ang Hapdi ng Pagkakalayo

2980 Words
Chapter 5 "Merry Christmas baby ko." Bulong lang iyon sa aking tainga ngunit sapat na iyon para magising ako. Dama ko ang mainit niyang hininga. Ang kaniyang yakap ay nakadagdag ng init para maibsan ang nararamdaman kong ginaw hatid ng malamig na simoy ng hangin. Alam kong panginip lang ang lahat kaya ayaw kong magising. Gusto kong ituloy ang pagtulog. Ayaw kong maputol ng ganoon kabilis ang lahat. "Miss na miss na miss na kita baby ko. Sige lang, matulog ka lang." kasabay no'n ng mainit na halik sa aking labi. Totoo na yata ito. Hindi na ako nananaginip lang. Kaya kahit nagdadalawang isip akong buksan ang aking mga mata ay ginawa ko. At parang tumigil ang pagtibok ng aking puso at sandaling nahinto ang aking paghinga dahil sa sobrang gulat ko na unti-unting napalitan ng saya. Mahigpit ko siyang niyakap. Hindi lang ako nananaginip. Nasa tabi ko siya ngayon at kayakap. Hindi ko alam kung paano ko i-express yung sobrang saya na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. "Sandali. Hindi ako makahinga. Para mo na akong sinasakal niyan!" reklamo niya. Ngunit siya man din ay mahigpit ang pagkakayakap sa akin. Hindi ko napigilan ang pagluha. Basta na lang iyon dumaloy sa aking pisngi. "Hayan na naman ang iyakin kong baby. Huwag ka ng umiyak."pinunasan niya ang luha ko. Muli kong naramdaman ang labi niya sa labi ko. Nagpaubaya ako. Hanggang naramdaman kong umibabaw siya sa akin. Lumakbay ang mga kamay ko sa kaniyang likod. Naramdaman ko ang paghubad niya sa aking boxer short at brief gamit ang kaniyang mga paa. Para bang ang sandaling matanggal ang kaniyang labi sa aking labi ay isa nang mahabang abala. Hudyat na din iyon para tulungan siyang tanggalin ang kaniyang belt at pantalon. Ilang sandali pa at nagsalpukan na ang mainit naming mga katawan. Ninamnam ang kiliting sarap sa bawat himaymay ng pagniniig. Tanging malalim na paghinga at pigil na pag-ungol ang tanging bumabalot sa maliit kong kuwarto bilang pagpapatunay sa pinagsasaluhan naming sarap na hindi nalalasap ng ilang buwan. At nang sumambulat ang inipon ng panahong katas ng pag-iibigan ay alam kong ito na ang pinakamasaya kong natanggap na regalo sa pasko. Ang muling makasama ang pinakamamahal ko. Pagkatapos ng mainit na pagniniig ay parang ayaw ko ng matulog ng gabing iyon. Natatakot ako na baka paggising ko kinaumagahan ay wala naman siya sa tabi ko. "Kailangan nating matulog muna. Alam mo bang inabot ako ng halos labinlimang oras sa biyahe at mabuti nakakuha ako ng tiket pauwi dito dahil sobrang daming pasahero?" "Paano kung paggising ko wala ka na naman at sulat na lang ang iiwan mo?" "Hindi mangyayari iyon. Bukas pa ng gabi ang alis ko. Kaya maghapon pa tayong magkasama. Matulog ka na dahil bukas pupunta tayo doon sa paborito nating lugar. Maghahanda tayo ng pagsasaluhan natin." "Plamis?" pabulol kong tanong. "Plamis baby." "Yakapin mo ako para alam kong nandiyan ka lang." "E, anong tawag mo dito" taka niyang tanong dahil nakadantay na ang isa niyang kamay sa aking katawan. "Gusto ko yung isang kamay mo ipasok mo sa may leeg ko tapos yung isang kamay mo naman ay sa baywang ko." Paglalambing ko. "Demanding?" nangingiti niyang tinuran ngunit sinunod din naman niya ang gusto ko. Ilang sagalit pa'y narinig ko ang mahina niyang paghilik. Alam kong pagod na pagod siya sa biyahe niya. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Lumaki ang katawan at kuminis ang kutis. Para na siyang artista. Bago ako pumikit ay hinalikan ko siya sa labi at may ngiti ako sa labing nakaidlip. Kinabukasan, pagkagising ko ay wala na siya sa tabi ko. Napabalikwas ako. Mabilis kong isinuot ang boxer short at brief ko na nakakalat sa sahig. Halos liparin ko ang hangdanan. Natatakot akong baka umalis na naman siyang hindi sa akin nagpaalam. Sa kusina ko siya natagpuan. Abala sa kaniyang pagluluto. "Good Morning!" bungad niya sa akin. "Good morning." Sagot ko. Para akong nahimasmasan. "Nakahanda ng almusal natin. Pupuntahan sana kita sa kuwarto mo para gisingin pero minabuti ko na lamang tapusin ang pagluluto ng babaunin natin sa talon. Mas maganda kung maaga tayong pupunta doon para mas madami tayong magawa at mapag-usapan." "Marunong ka ng magluto?" Ngumiti lang siya. "Sige na. Umupo ka na diyan sa mesa at patapos na itong niluluto kong babaunin natin. Ihanda ko lang ito at sasabayan na kita sa pagkain." Kinuha ko ang plato niya at ako na ang naglagay ng sinangag at ulam. Naglakas loob na din akong nagtimpla ng kape niya. Hindi kasi ako nagkakape pero nakikita ko din naman si tito kung paano siya magtimpla. Sila ni tito ang mahilig magkape sa umaga kaya minabuti kong magmagandang loob na ipagtimpla siya. Pagkaupo niya sa mesa ay nakita niyang may laman na ang plato niya at may mainit-init pang kape. "Wow, marunong ka ng magpaka-sweet ngayon. Salamat baby?" "Psst! Marinig tayo ni tito." Malakas kasi ang pagkakasabi niya ng baby. "Kaninang madaling araw pa siya sinundo. Marami daw siyang mga imbitasyon na kailangan niyang siputin. Gigisingin ka dapat para isama niya tayo perso sabi ko, may usapan kasi tayo na lakad ngayon. Kaya minabuti niyang siya na din lang ang aalis mag-isa. Kaya solo natin ang kumbento ngayon." "At dahil diyan, pakiss nga!" lambing ko. "Mamaya na! Kain muna tayo." "Eto naman, pakiss nga lang e! Isa lang!" kulit ko. "Di ka pa nga nagmumumog o nagtooth brush man lang. Kiss agad?" Naisip ko. Oo nga. Na-excite ako sa pagtimpla ng kape at paglagay ng pagkain sa plato niya. "Nandidiri ka sa akin, ganun?" "Hindi no." Nang palapit na siya para halikan ako ay saka ako tumayo. "Joke lang. Magmumog lang ako sandali." Ako naman ang biglang nahiya. Pagbalik ko ay panakaw ko siyang hinalikan sa gilid ng kaniyang labi. Sandali lang ang halik na iyon ngunit sobrang sarap. Napahawak siya sa aking batok at muli kong nalasap ang lagi kong pinapangarap na halik. "Matikman nga ang kape na pinaghirapan ng baby ko." Nakangiti niyang sinabi nang makabalik na ako sa aking upuan. Nakangiti lang akong nakamasid sa magiging reaksiyon niya. Pagkatikim niya sa kape ay nakita kong nag-iba ang mukha. Ngunit mabilis iyong napawi ng isang matamis na ngiti. "Sarap naman. Sobra...sobrang pagmamahal ang puhunan." Kumindat siya. Tinungo ang ref at kumuha ng malamig na tubig. Nagsalin siya sa dalawang baso. Uminom agad. "Masarap ba ang timpla kong kape?" pagmamalaki ko. "Oo. Grabe. Sobra." Napapangiti niyang sagot. "Patikim nga!" "Huwag na, hindi ka naman nagkakape e." Nilayo niya ang kape sa akin. "Tikim nga lang e, 'to naman! Isang lagok lang." pamimilit ko. "Sige ba. Isang lagok lang ha? Baka kasi ubusin mo ang sobrang sarap na kapeng ito." Nang tinikman ko ay agad akong napainom ng tubig. "Sarap no, sobra?" nakangiti pa din siya. "Oo, sobrang pait!" sagot ko. "Akin na nga 'yan. Niloloko mo ako. Sabi mo grabe, sobra, iyon pala grabe at sobrang pait. Plastik mo ha." "Hindi no. Ito na ang pinakamasarap na kapeng natikman ko." "Orocan!" singhal ko. "Uubusin ko 'yan. Unang timpla mo kaya 'yan sa akin kaya sasaidin ko yan. Sayang naman. Next time kung hindi ka pa maalam sa pagtitimpla, ako na lang ha? Huwag nang mangialam." Natatawa niyang biro sa akin. Ngumiti na din ako. At kahit mapait ang timpla kong kape ay pinilit niyang inubos ngunit sinusundan agad niya ng pag-inom ng tubig. Pagkatapos naming nag-almusal ay naghanda na kami sa pagpunta namin sa talon. Nagluto siya ng spaghetti at pritong manok. Dumaan na din kami ng softdrink sa malapit na tindahan saka ng tatlong beer. Hindi ko pa naranasang uminom ng kahit anong nakalalasing. Sabi niya beer lang daw naman saka mabuti na iyong siya lagi ang nakakauna sa akin sa mga kalokohan ngunit pinakamasarap na tukso ng mundo. Hindi namin namalayan na naabot na namin ang aming tagpuan. Wala na kasi kaming ginawa sa daan kundi magbiruan at magtawanan. Pagkatapos naming nilatag ang aming dalang banig ay humiga ako at nagpahinga. Nakatihaya ako at masayang ninanamnam ang sandaling kasama siya sa lilim ng malaking puno. Tanging ingay ng mga ibong malayang nagpapalipat-lipat sa mga sanga at ang bagsak ng malinis na tubig ang naglilikha ng ingay. Naramdaman kong tumabi siya sa akin. Dumapa siya at naglapat ang aming mga mukha. Binubundol-bundol niya ang matangos niyang ilong sa aking ilong. "Namiss kita bhie! Sobra! Lalo tuloy kitang minahal nang di kita nakasama. Parang sumasabog yung puso ko. Parang nahihirapan akong huminga. Sobrang sakit sa dibdib kung di kita kasama." "Pareho lang tayo 'no." "Mas mahirap yung sa akin kasi alam ko hindi mo pa ako napapatawad noong umalis ako. Galit ka sa akin no'n kaya, araw-araw kong iniisip na sana hindi ka na galit sa akin at napatawad mo na ako." Dinilaan niya ang labi ko. Nakiliti ako kaya nilayo ko ang labi ko. "Ako din naman. Nagsisisi ako noon na di ko naibigay sa iyo ang pagpapatawad bago ka umalis. Ang hirap pala nu'n. Yung iniisip mo na may napapahirapan at nasasaktan kang tao dahil lang sa bugso ng iyong damdamin." "Salamat at napatawad mo na ako, bhie. Pagkatapos pala ng first semester, iniwan ko na si Father Greg. May nakilala kasi akong mayaman at napakabait na pamilya. May dalawa silang anak. Isang halos kaedad ko at saka yung isa naman ay sa America nag-aaral." Ngumiti ako. Alam kong tinupad na niya ang isang pangako niya sa aking iiwan na niya ang paring gumamit lang sa kaniyang kahinaan. Nakatingin ako sa kaniya at naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "Nagtataka ka siguro kung bakit ito kaagad ang nakuwento ko sa'yo. Professor ko kasi yung si Sir Vic. Nakita niya kung gaano ako kadeterminasyong makatapos, nakita din daw niya ang kasipagan ko at ang kabutihang loob kaya niya ako inalok tumira sa kanila para may magiging driver si Angeli na halos kaedad ko din. Masasakitin kasi si Angeli at kailangan daw niya ng katulad ko na aalalay sa anak niya na pupuwede niyang pagkatiwalaan. Hindi naman makakaapekto sa aking pag-aaral ang paghatid-sundo kay Angeli dahil sa umaga lang ang pasok niya at ako naman ay halos sa hapon at gabi lahat. Sinasabi ko ito para huwag mo ng isipin na hanggang ngayon ay nabababoy parin ang aking pagkatao. Ngayon ko napatunayan ang sinabi mong may iba pang paraan para makamit ko ang mga pangarap ko sa buhay." Hindi ako sumagot. Niyakap ko siya ng mahigpit at muling ninamnam ang sarap at init ng kaniyang halik. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mapangahas na paglalakbay ng kaniyang kamay sa aking dibdib hanggang sa aking tiyan at pinaglaruan niya ang bahaging iyon ng aking katawan na siyang bumuhay sa aking pagnanasa. Sapat na iyon para muling lumagablab ang dati nang nag-uumapoy na kagustuhan. "Dito talaga?" paanas kong sabi sa kaniya bago niya tuluyang maisubo ang aking p*********i. "Pasko ngayon saka sino naman ang maliligaw dito?" sagot niya. Noon ay muli akong nakampante at muli naming pinagpatuloy ang sandaling naudlot na paglalakbay patungo sa rurok ng kaligayahan. Hanggang sa pinadapa niya ako. Nagtaka ako. Ngunit nawala ang pagtataka ng masuyo niyang idinantay ang kaniyang dila mula sa aking batok pababa sa aking likod at huminto sa aking puwitan. Nakaramdam ako ng magkahalong kiliti at sarap. "Gusto mo subukan natin ang ibang posisyon?" "Ano 'yun?" inosente kong sagot. "Pinagkakatiwalaan mo ba ako sa gagawin natin?" tanong niya. Sandali akong nag-isip. Mahal ko siya. Alam kong hindi din niya naman ako sasaktan. "Sige. Ipagkakatiwala ko sa'yo ang lahat." Hanggang sa naramdaman ko ang madulas niyang ari na bumundol sa aking likod. Maingat siya sa kaniyang ginagawa. Palagi niyang ipinaaalala sa akin na sabihin ko lang daw kung masakit at kung hindi pa ako handa. Nang naramdaman ko ang pagpasok nito ay pinatigil ko siya. Hindi ko nagustuhan ang unang pasok nito. Nakaramdam ako ng kirot. Ngunit nandoon na. Gusto kong mapaligaya siya sa paraang gusto niya. Muli niya iyong binunot. "Okey lang ba bhie? Kasi ayaw kong masaktan ka. Kung di mo kaya huwag na lang." "Hindi! Ituloy na natin basta dahan-dahan lang muna." Sagot ko. Hanggang sa ang dating kirot ay naging isang kakaibang sensasyon na lamang lalo pa't ang kaniyang labi sa aking labi ay nakatulong para maibsan ang kakaibang hapdi. Mahusay ang ginawa niyang paglaro sa aking ari habang parang sinasabayan niya ng ritmo ang bawat indayog ng kaniyang katawan. Hanggang ang lahat ay naging isang napakasarap ng pag-iisa ng aming kaluluwa. Ang mga ungol naming ay parang naging musika na naghahatid sa amin sa kakaibang sayaw ng makamundong luwalhati ng aming katauhan. Sabay naming nilasap ang rurok ng ligaya. Pagkatapos no'n ay ngumiti ako sa kaniya bilang pagpapatunay na kaya kong ibigay sa mahal ko ang lahat ng kaniyang maibigan. Niyakap niya ako. Hinalikan sa aking labi. Nagpahinga ng isang oras bago kami sabay na nagtampisaw sa malamig na tubig. Doon ay yakap-yakap niya ako habang iniisa-isa niya ang mga pangarap niya para sa amin. Alam kong lahat ng pangakong iyon ay kaya niyang patunayan sa akin. Ang tanging alam ko ay mahal ko siya at kaya kong talikuran ang lahat ng meron ako kapalit ng kaniyang pagmamahal. Hanggang kinagabihan no'n ay kailangan na niyang umuwi. Dalawang araw lang daw kasi ang paalam niya kay Sir Vic niya. Isa pa, siya lang daw ang inaasahan nilang titingin kay Angeli. Masakit man ngunit kailangan na muna naming maghiwalay para mas mapaghandaan ang aming kinabukasan. Alam ko, marami pa kaming pagdadaanan at nang kumaway siya sa akin nang paalis na ang bus ay alam kong muli kaming magkikita. Ihahanda namin ang aming mga sarili para sa katuparan ng aming mga pangarap. Kahit pa muling bumagtas ang aking mga luha ay alam kong hindi naman ako talaga nag-iisa. Lagi naming kasama ang isa't isa sa aming mga puso at isip. Matuling lumipas ang panahon at nagtapos na ako ng high school. Umasa ako na sana darating si Aris sa graduation ko. Sana magpakita siya sa akin kahit sandali lang. Mula paalis kami sa bahay hanggang noong tinatanggap ko na ang aking diploma ay walang Aris ang dumating. Kahit noong nag-dedeliver ako ng aking valedictory address ay siya pa din ang iniisip ko. Pinapangarap na naroon siya at masayang pumapalakpak sa aking nakamit na tagumpay. Ngunit nabigo ako. Hindi na ako lumuha. Nasaktan ako ngunit sa higit tatlong buwan na hindi siya muli pang nagparamdam ay alam kong kahit man wala siya ngayon, ako pa din ang kaniyang iniisip sa araw-araw. Doon ako humuhugot ng ligaya at lakas. Napag-usapan namin ng tito ko na sa Manila ko na itutuloy ang aking pag-aaral. Doon ay mababantayan ako ng aking mga magulang. Pinapakuha niya ako AB- Philosophy para mas madali na lang sa akin ang pagpasok sa pagkapari kahit sa mga panahong iyon ay hidni na buo ang loob kong maging pari. Sinunod ko siya sa kadahilanang hindi naman ibig sabihin na kung AB Philosophy ang kurso ko ay magpapari na talaga ako. Gusto ko din naman ang kursong iyon kahit pa hindi ako magpapari kapag natapos ko iyon. Binibigyan niya ako ng apat na taong mag-isip kung kakayanin ko ba ang buhay ng pagiging pari. Hindi naman niya ako pinipilit tulad ng hindi pagpilit sa kaniya ng aming mga angkan ngunit parang nasa tradisyon na kasi ng pamilya namin na may magiging pari sa bawat henerasyon namin. Ako ang nakitaan nila ng potensiyal iyon nga lamang ay alam ko sa sarili kong hindi na ako sigurado pa. Mahal ko si Aris at kung hindi man lang siya ang makakasama ko habang buhay, mas nanaisin kong ihandog ang buong buhay ko sa paninilbi sa Diyos. Kung sa apat na taon at muli kaming magkita at naroon parin ang pagmamahal niya sa akin, kaya kong talikuran ang aking pagpapari para sa kaniya. Siya lamang ang gusto kong makasama habang-buhay ngunit kung sa panahong magkita kami at may mahal na siyang iba, hindi ko guguluhin ang buhay niya. Iyon ang mga signs na paulit-ulit kong ipinapaunawa sa aking sarili. Mahal ko siya ngunit naniniwala ako na kapag hindi kami para sa isa't isa ay kahit anong gawin ko, hindi mangyayari iyon. Ayaw kong ibuhos ang buong buhay ko sa isang pangako. Gusto kong mag-iwan para sa sarili ko. Hindi ko dapat iasa sa pangako ni Aris ang takbo ng aking buhay. Kailangan ko ding manindigan ng para sa akin. Naniniwala akong ako ang higit na may responsibilidad sa takbo ng aking buhay. Lahat ng sugat ay nagkakapilat. Nawawala ang hapdi ngunit naroon ang alaala. Ganoon ang nangyari sa akin. Nasaktan ako nang hindi na muli pang nagparamdam si Aris. Mahal ko pa din naman siya at pakiramdam ko hindi na iyon basta na lang mawawala. Hindi din ako ipokrito para sabihing hindi na ako nagkakagusto pero hanggang crush na lang ako. Ang pinakamalaking dahilan kung bakit kahit nagkakagusto ako ay hindi ko na hinayaang mahulog pa ng husto ay ang katotohanang umaasa parin na sa huli, kami parin ni Aris ang magkakatuluyan. Maliban na lamang kung nakatapos na ako ng AB Philosophy at hindi pa rin kami nagkikita. Iyon ay simbolo na kailangan ko na siyang kalimutan at ituon ang isip at puso ko sa pagmamahal ko sa aking bokasyon. Minsan ay nawawalan na ako ng pag-asang muli pa kaming magkikita. Alam kong nasa Manila lang siya ngunit bakit hindi kami pinagtatagpo ng tadhana. Bakit kahit anong gawin kong paglibot sa buong kamaynilaan ay hindi ko siya natitiyempuhan. Ikinintal ko kasi sa aking isipan na kung talagang kami ang tinadhana para sa isa't isa ay pagkakataon ang siyang magbibigay ng tamang lugar at panahon na muling magkrus ang aming landas. Pinaubaya ko sa pagkakataon ang isang mahabang taon na iyon ngunit sadyang napakamailap nito sa amin. Bakasyon noon. Pagkatapos ng isang taon ay binisita ko si Tito. Hindi lang dahil namimiss ko siya kundi dahil gusto ko ding magtanong sa kaniya kung nagawi ba si Aris sa kumbento nang nasa Manila ako. Napagod na akong iasa pa sa pagkakataon ang lahat. Ayaw ko ng umasa na basta na lang kami magkakabangga isang araw. Hindi ko na kayang tiisin. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap tungkol sa amin. Gusto ko na siyang mayakap at mahalikan. Hindi ko na kaya pang tiisin ang lahat. Para na akong nasisiraan ng ulo. Natuwa si Tito nang dumating ako. Niyakap niya ako dahil parang tunay na anak ang turing niya sa akin. Naiiyak siya sa tuwa dahil binigla ko daw siya sa aking pagbisita ngunit mas nabigla ako sa ibinalita niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD