Chapter 1

1593 Words
ALEX NAPATAKBO ako sa loob ng opisina ng aking ama nang maulinagan ko mula sa bulung-bulungan ng mga empleyado ang tungkol sa nanganganib na pagkalugi ng aming kompanya. My family owns Core International Corporation, one of the most-promising agri-business in the country. Mayroon kaming ilang hektaryang lupa sa iba't ibang probinsya kung saan namin kinukuha ang aming mga produkto kagaya ng saging, niyog, mangga, at pati na rin ang ilang mga poultry at hog products.  This year, we are planning to penetrate the export market. Kaya naman ganoon na lamang ang gulat ko nang makarating sa akin ang balita tungkol sa pagkalugi ng aming kompaniya. "Is it true, dad?" humahangos kong bungad nang makapasok ako sa opisina ng aking ama. "You have be more specific than that, my dear," maang na tugon ng aking ama. "Cut the bullcr*p, dad. We both know that you know exactly what I am talking about," matigas kong turan. Humugot ito ng isang malalim na hininga bago muling nagsalita. Pigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang kaniyang paliwanag. "Yes, it's true," payak nitong tugon. "What?!" hiyaw ko. "P-Paanong nangyari...bakit...kailan pa—" Hindi ko halos malaman kung anong una kong itatanong dahil sa labis na pagkagulat. "Calm down, hija," putol sa akin ni dad, "Everything is well taken care of. Wala ka nang dapat ipag-alala. Well in fact, I have some good news for you. We need to celebrate," saad nito. Mas lalong lumalim ang gitla sa aking noo dahil sa labis na pagtataka. Hindi ko lubusang maintindihan kung paano nagagawang maging kalmado ng aking ama sa kabila nang banta nang pagsasara ng kompaniyang kaniyang pinaghirapan. "Good news? Paano magkakaroon ng good news sa ganitong sitwasyon? I don't think this is the right time for that. Ang dapat nating ginagawa ay ang habulin ang mga investor na isa-isang nagba-back out," giit ko. "As I said, hija, you have nothing to worry about. The problem has been already taken care of. Hindi na natin kailangang habulin pa ang mga investors na iyon dahil nakahanap na ako ng bagong investor. And believe me, he alone is enough to make our company back on its feet again," kumpiyansang turan ng aking ama. Kahit papaano ay bahagya na rin akong nakahinga nang maluwag dahil sa kaniyang sinabi. Ngunit ang kaninang kaba ay agad namang napalitan ng pagtataka kung sino ang investor na tinutukoy nito. "Kung totoo nga ang kumakalat na balita tungkol sa pagkalugi ng ating kompaniya. Sino namang tanga ang tatanggap sa offer mo, dad?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko rito habang magkakrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib. "So, I'm the stupid now," sabad ng isang baritonong tinig mula sa bagong bukas na pinto. Halos kaming napalingon ni Daddy sa pinanggalingan ng tinig. Halos lumuwa ang aking mga mata at halos malaglag ang aking panga dahil sa labis na pagkagulat nang mapagtanto ko kung sino ang may-ari ng baritonong tinig. "You? What the hell are you doing here?" bulyaw ko rito dahil sa labis na pagkagulat. "Alexis Chandria! Where are your manners? That's not the right way to treat your new investor," pagalit sa akin ni dad. "What? Are you f*cking kidding me?" "Language, Chandria!" saway nitong muli.  Alam kong galit na ang aking ama dahil gamit na nito ang pangalawa kong pangalan bilang tawag sa akin. Ngunit hindi naging sapat iyon upang aking ibulalas ang mariin kong pagtutol. "But Dad! Do you have any idea what have you done?"  "My dear, I've been a businessman for God knows how long. Of course, I know exactly what I am doing. And right now, trust me when I say that Klaus is the answer to all our problems." "Is this some kind of a joke? How can you be sure that he has no ulterior motive for doing this?"  "I have no idea that you think so lowly of me, Alexis," sabad ni Klaus habang prenteng nakatayo sa gilid ng lamesa kung saan naroon ang aking ama. Hindi ko maiwasang mas lalong uminit ang aking ulo nang mapansin ko ang pasimple nitong pagngisi habang sinasabi sa akin ang bagay na iyon. Labis kong ipinagtataka ang biglaan niyang pagsulpot muli. Ang huling pagkikita namin ay nang ipagtabuyan ko siya nang subukan niyang makipag-usap sa akin kinagabihan matapos kong umatras sa mismong araw ng aming kasal.  Simula noon ay wala na akong naging balita pa tungkol sa kaniya. Maliban na lamang sa balita tungkol sa patuloy na paglago ng kaniyang kompaniya. "Look. If this setup bothers you, I'm more than willing to back out from this offer," dugtong nito. Bahagya akong nakahinga nang maluwag dahil sa kaniyang tinuran. Agad akong bumaling sa aking ama at hinintay ang kaniyang tugon. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang bumuka ang kaniyang bibig. "That won't be necessary, Klaus. A deal is a deal. Besides, I firmly believe that this decision is vital to our company," tugon ng aking ama. "Dad!" mariin kong pagtutol. "It has been decided, Alex. Imbes na mag-tantrums ka riyan, dapat ay nagpapasalamat ka rito kay Klaus. Sa kabila nang ginawa mo sa kaniya ay handa pa rin siyang tulungan tayo," dagdag pa nito. Tila bigla akong nagkaroon ng bikig sa aking lalamunan. Malinaw sa akin kung gaano kalaking gulo at iskandalo ang naging dulot ng aking ginawa kay Klaus. Halos ilang buwan ding naging mainit na usap-usapang ang tungkol sa naudlot naming kasal. "So what, I'm working for this man now?" sarkastikong turan ko. "On the contrary, I will not be able to handle the company myself. I have my own empire to attend to. That's why I'm appointing you as its new CEO," turan ni Klaus. Mas lalong lumalim ang kunot sa aking noo. Higit na gumulo ang isip kong hindi na maintindihan ang sunud-sunod na pangyayari. "You what?" "You heard it right, Alexis. I'm appointing you as the new CEO of Core International Corporation..." saad nito bago marahang lumapit sa aking kinatatayuan at pabagsak na umupo sa upuang nasa aking harapan. Pinagsalikop niya ang kaniyang mga palad saka ngumisi bago muling nagsalita. "...in one condition." I knew it. Mapakla akong napangisi nang marinig ko ang kaniyang huling tinuran. Sinasabi ko na nga bang may lihim itong motibo sa pag-alok nito ng tulong. "Whatever it is, I'm not interested. You can shove that condition up to your a*ss for all I care," mataray kong saad. "Chandria, that's enough!" Umalingawngaw sa kabuuan ng opisina ang malakas na sigaw ni Dad sa akin. "Kung hindi ka papayag sa kondisyon ni Klaus, I have no other choice but to sell this company." "You can't do that, dad! Buong buhay po ang inubos mo para lang maitayo ang kompanyang ito. How can you think of selling it?" "Exactly! Kaya nga dapat tayong magpasalamat dahil narito si Klaus upang tulungan tayo nang hindi tuluyang mawala sa atin ang kompanyang pinaghirapan natin." "What if I find another way to save our company without asking for his help?" matapang kong tanong.  Saglit na natigilan ang dalawa at hindi naiwasang magkatinginan. Tila parehas nilang hindi inaasahan ang aking naging pahayag. "Ikaw na rin ang nagsabi, Alexis. Sinong tanga ang maglalabas nang malaking halaga para sa palubog na kompanya? We're only this in this position because Klaus is kind enough to help us," giit ng aking ama. "Then I will find another crazy rich man who's willing to extend a hand for us," saad ko. Kitang-kita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Klaus nang magawi sa kaniyang banda ang aking tingin.  "Chandria, stop being stubborn! Tanggapin na lang natin ang tulong ni—" "Two weeks," putol ni Klaus sa ano pa mang sasabihin ng aking ama. "What?" naguguluhang baling ko sa kaniya. "Two weeks. That's all I'm giving you, Alex. If I hadn't got your answer to my proposal after two weeks. Then, our deal is off," malamig nitong turan habang matalim na nakatitig sa akin. Mariin akong napalunok dahil sa nakapapaso nitong mga titig. Muntik ko nang mahigit ang aking hininga nang marahan itong tumayo. Noon ko lamang muling napagtuunan nang pansin ang makisig niyang tindig at pangangatawan. Hindi inaasahang nanumbalik sa aking isipan ang mga maiinit na gabing aming pinagsaluhan. Mabilis kong pinilig ang aking ulo upang palisin ang init na unti-unting gumagapang sa aking katawan. "No, Klaus. Please, let's talk about this," pigil ng aking ama. "I'm sorry, Daniel. But I won't force myself to a place where I'm not needed," saad nito saka muling sumulyap sa aking gawi bago tuluyang lumabas ng aming opisina. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pigil ang aking hininga. Saka lamang ako tuluyang nakahinga nang maluwag matapos sumara ang pinto. Natampal ng aking ama ang kaniyang noo saka marahang hinilot ang kaniyang sintido nang makaalis si Klaus. "Ano nang plano mo ngayon, Chandria?" tanong ng aking ama na halata pa rin ang mariing pagkadisgusto sa aking ginawa. "I'll find a way, dad," I vaguely answer. "You better be. Or else we're really losing company," turan nito saka naiiling na bumalik sa kaniyang pagkakaupo. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi habang tahimik na nag-iisip. Mariin kong pinag-iisipan kung tama nga ba ang aking naging desisyon at hindi ako basta lamang nagpadala sa bugso ng aking damdamin.  Part of my brain tells me that I've acted harshly and didn't think my actions thoroughly. Ngunit kahit anong pagsisisi pa ang aking gawin ay hindi ko na maaaring bawiin ang mga salitang aking nasabi. Ang dapat kong pagtuunan nang pansin ay kung paano ko masusulosyunan ang problemang kinakaharap ng aming kompanya. Think, Alex, think! ***********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD