CHAPTER 2 WHAT’s YOUR NAME?

529 Words
DYLAN’s POV Hindi pa man ako nahihimbing sa pahtulog ay may kumatok naman sa pinto ng kwarto ko. “Damn!” inis kong kinamot ang ulo ko at lumabas ng k’warto. “Tawag ka ni Icom,” sabi niya habang nagbibihis ng sando. Agad naman akong sumunod sa kaniya at naabutan ko si Icom na nakaupo sa sala at kaharap ang lalaking pinapasok ko kanina. “19.” Rinig kong sabi nitong lalaking kausap ni Icom. “Dy, come here,” ani ni Icom kaya naman lumapit ako sa kaniya at tumabi sa sofa na inuupuan niya. “This is Dylan.” Pakilala sa akin ni Icom at agad naman akong tinignan nitong lalaki na nasa harap ko, sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. “Dylan Abraham Enrique,” pakilala ko at tinaas ko ang kamay ko umang makipagshakehands sana kaso tinitigan niya lang ’yon. “What’s your name?” tanong ko nalang habang nakataas pa rin ang kamay ko. ‘Sumagot ka napapahiya na ako.’ Sabi ko sa isip ko. Laking pasasalamat ko naman nang abutin niya ang kamay ko at magsalita. “Eve,” maikling pakilala niya at t’saka binawi ang kamay niya. “Hi there! Marco Vergara!” masiglang pakilala ni Marco at nakipagshakehand din. Nagpandik’watro ako ako at tiningnan si Eve mula ulo hanggang paa. Maganda ang buhok niyang bagsak at katamtaman ang haba, matangos ang ilong, mahahabang pilik-mata, at mapupulang labi. Hindi ko na itatangi na may hitsura rin siya pero mas lamang talaga ako. “Ok Eve tungkol sa bayarin mo rito hati-hati tayo, sa tubig at kuryente sa pagkain naman na sa sa’yo na rin iyon kung gusto mo bang magsolo or makihati na rin.” Paliwanag ni Icom. Palibhasa siya nga pala ang nagbabadget dito sa bahay namin. “Ah ok, how much?” tanong ni Eve gamit ang cold voice niya. “3,500” Sagot naman ni Icom. Dumukot sa bag niya si Eve at inilabas niya ang kaniyang wallet. Binuksan niya iyon at kumuha ng pera, walang bilang-bilang ay inabot niya iyon kay Icom. “50k for my whole year,” tipid na sabi nito. Kinuha naman iyon ni Icom “This is too much,” ani ng kaibigan ko na ibabalik pa sana ang sobra ngunit tumanggi na si Eve. “It's ok, if na magkulang or mataas bigla ang bills just tell me,” sabi nito at ibinalik sa bag niya ang kaniyang wallet. “Ok?” alam kong hindi sang-ayon si Icom pero wala rin siyang magagawa dahil mukhang matigas ang ulo ng isang ito. “P’wede na ba akong pumunta sa k’warto ko?” Tanong nito kaya napatingin sa kaniya si Icom at ngumiti. “Here your keys, ang magiging room mo ay yung nasa dulo na may itim na pinto malapit sa balcony,” paliwanag ni Icom at inabot kay Eve ang mga susi. “Marco please guide him to his room.” Baling niya kay Marco na nakatayo malapit sa hagdan na agad naman siyang sinunod. “Tara Eve,” aya ni Marco at tinulungan niya pang magbuhat ng ibang gamit. Tumayo naman ako pagkaalis nila at dumiret’so sa kusina upang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD