CHAPTER 1 NEW ROOMMATE

253 Words
DYLAN’s POV Nagising ako dahil sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Agad kong tinakpan ang magkabilang tainga ko upang makapabalik ulit sa pagtulog pero malabo na atang mangyari iyon dahil hindi pa rin tumigil sa pagtunog ang doorbell. Asar akong tumayo at nagmartsa papuntang frontdoor upang silipin kung sinong malakas ang loob na paglaruan ang doorbell namin. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ay natanaw ko na ang lalaking nakatayo sa labas ng gate. Napakamot na lamang ako sa aking batok at tamad na naglakad patungo sa gate. “Yes? Anong kailangan mo?” antok na tanong ko sa kaniya. Tinaas naman niya ang hawak niyang karatula na sa palagay ko ang karatulang nakasabit sa harap ng aming gate. “This is still available?” malamig na tanong niya sa’kin at tiningnan ko naman ang kaniyang mukha. Napahinto ako sa paghikab at ilang ulit na napapikit at napalunok. ‘Damn, he look.... he loo— no Dylan! Stupid! You’re a boy, handsome boy.’ “Ah... Y-yeah,” sagot ko at pinagbuksan sya ng gate. Nauna na akong pumasok dahil alam ko namang susunod siya, pagpasok ko ay bumungad sa akin si Marco na nakapajamas lang. “Bro, who is he?” tanong pa nito na pupungay-pungay pa ang mga mata. “Maybe our new roommate,” walang ganang sagot ko at dumeretso sa taas upang pumasok sa kwarto ko. Napalliling nalang ako ng maalala ko ang aking naramdaman kanina. “Hays, dala lang antok to,” sabi ko at humilatang muli sa kama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD