Chapter 13: Say What?

1375 Words
Gwen's POV Habang pauwi sa bahay, hindi namin maiwasang magkwento ni Kuya tungkol sa kung anong mga nangyayari sa school at office niya. "Kuya? What if, 'yong mga taong pinagkatiwaalaan mo ay ginawa kang tanga, anong gagawin mo?" Tanong ko. Napatingin lang siya ulit sa akin at binalik sa daan. "Anong ibig mong sabihin?" "Example, kung 'yong mga kaibigan ko ay may hindi sila sinasabi sa akin... tapos sa ibang tao ko pa malalaman ang tungkol sa kanila. 'Di ba nakaka-offend?" "I don't know. Hindi naman dapat lahat ng mga pangyayari sa buhay nila ay kailangan mong malaman. Life is private. Siguro may mga pangyayaring gusto nila sabihin pero hindi lahat." Napatahimik ako sa sinabi niya. "Bakit? May sekreto ba silang ayaw nilang sabihin sa 'yo?" "Alam ko na Kuya, matagal na." Lumiko na kami sa subdivision ng bahay namin. Hindi na rin nagtanong si Kuya sa sinabi ko. "Alam ko na rin ang lahat." Sabi niya. Tinigil na ni Kuya ang sasakyan sa labas ng bahay. Kinabahan ako. "Sinabi ba nila Aika at Min?" "Nakita ko kanina ang nangyari." "Kuya--" "Don't worry, hindi naman ako tutol makipagkaibigan ka sa kanila. Sa tagal na rin na nakilala ko sila at sa ginawa nilang pagbantay sa 'yo, nagkalapit na rin kami ng loob. Mabait naman sila ah." Napangiti ako sa sinabi ni Kuya. "Thank you Kuya." "Pero kapag may isa sa kanilang mag-iba ang loob sa 'yo at vice versa, huwag kang mahiyang magsabi sa akin." Napalaki ang mata ko. "Kuya, wala naman at hindi mangyayari 'yon." "Sa ngayon, wala pa. Tignan na lang natin sa susunod." Napangisi siya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Labas na. Aalis na ulit ako. May date ako." Kita mo 'to kung magpalabas sa 'kin... "Sino naman ide-date mo?" Ako naman ang napangisi. Namula ang pisngi ni Kuya. Hala siya. "Si Ate Rose mo. Actually, first anniversary namin ngayon." Napakamot sa ulo si Kuya at binuksan ang pinto sa tabi ko. "Labas na!" What? "Hahahaha! Ayuu Kuya! Hahaha! More years to come! Alam na ba nila Mama 'to?" Hindi ko mapigil ang pagtawa ko. Shocks! 1 year na pala sila tapos hindi ko alam! Wow! Masyadong masekreto kasi. "Lalabas ka ba o hindi?" Ma-otoridad niya pang sabi sabay irap. "Haha. Opo lalabas na. Ingat ka na lang Kuya. Hahaha!" Binuksan ko na ang pinto at bumaba. "Papuntahin mo siya dito sa bahay bukas! Bye!" Sigaw ko na lang at tumawa ulit bago ko isinara ang pinto. Umalis na rin agad si Kuya. "Gwen, pasok na." Biglang sabi ni Mama sa pinto kaya pumasok na ko. "Saan pupunta Kuya mo?" "Date daw," sagot ko. "Ma, alam mo bang may girlfriend si Kuya?" "Oo." Wow, kung gano'n ako lang ang hindi nakakaalam? Umakyat na ko sa kwarto at nahiga sa kama. Kinuha ko ang picture frame naming dalawa ni Greg sa bedside table. "Nakaka-miss ka bro." Sabi ko at pumikit. -- Hyun Woo's POV We're bored after tonight's dinner at Gwen's house. Nakaupo lang kaming lima sa rooftop ng bahay habang tahimik na umiinom at nakikinig sa ingay ng palaka at mga insekto. "Labas tayo." Biglang sabi ni Mikoto. "Sabado naman bukas." "Saan naman?" Tanong ni Jack. "11 PM na, at saka may curfew sa edad natin." Uminom na lang ako ng beer in can na hawak ko. "Sa Reds Bar," sagot ni Miko. "Sa atin naman 'yon." "Kayo na lang." Sabat ko at tumayo at pumuntang kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama nang bigla na lang nilang binuksan ang pinto. "What?" Ulo ni Mike ang tumunga. "Tara na. Libre daw ni Kuya Sid. Nando'n siya sa bar." Sagot niya. Umiling ako, "Kayo na lang. Tinatamad akong lumabas." Tumalikod na ko at nagtalukbong ng kumot. "Okay, maiwan ka dito. Kami na lang ang aalis." Sabi niya at sinarado na ulit ang pinto. Nakahiga na ako't lahat pero hindi ako makatulog. Parang may kutob akong may mangyayari. Tinawagan ko ang apat pero ni isa ay walang sumagot kaya kinuha ko ang susi sa lamesa at tumalon sa terrace. Uso na sa akin ang mag ninja kasi naka-lock na ang lahat ng pintuan sa baba. Ini-start ko na ang sasakyan ko. Kay Jack na sasakyan ang wala dito. Pinaharurot ko na papuntang Reds Bar at mukha ngang nagkakagulo sa loob. "Good evening, Sir." Bati ng guard. "Nasaan ang apat?" "Sa loob po. Tumutugtog." Napangisi ako at pumasok. Ang daming tao kaya nakisiksik ako para makapunta sa mini stage ng bar. At tama nga, ang mga loko, nasa kaniya-kaniyang pwesto. Napahinto sa pagkanta si Jack nang makita ako. "Ladies and gentlemen, let's welcome our base guitarist, Jung Hyun Woo!" Napangisi ako at lumapit sa kanila sabay batok. "Sabi mo hindi ka pupunta?" Nakangising sabi ni Mike. Hindi na lang ako sumagot at kinuha na lang ang gitara. Nakisabay na rin ako sa pagtugtog. Matapos ang gig, naupo kami sa bar counter at nilapitan kami ni Kuya Sid. "Wow, ang galing niyo pala. Kaya pala ginusto ni Gwen na makasama kayo. She's a music enthusiast." Tumango kaming lima. "We know that Kuya. Thankful kami nang pumayag siyang maging vocalista namin." Namamanghang sagot ni Zion. Napalaki ang mata ni Kuya. "Hindi niya sinabi sa amin iyan. All I know, hindi siya pinayagan ni Mama. Bago siya na aksidente, gabi pa lang nagpaalam siya sa amin kung pwede siya maging vocalista niyo." Nagkatinginan kaming lima. "Pero ngayon--" siniko ko si Zion. "Kuya, 'wag ka sanang magalit ah." Biglang sabi ni Mike. Inakbayan siya ni Kuya at hinintay ang sasabihin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mong sabihin--" sabi ko sa isip ko. "Kami kasi ang may sala kung bakit na aksidente si Gwen." Diretsong sabat ni Jack. Napatigil sa kakangiti si Kuya Sid at kinuha ang kamay niya sa balikat ni Mike. Wala na. Wala na kaming mukhang ipapakita sa kanya at kay Gwen, panigurado. "Anong ibig mong sabihin, Jack?" Parang galit na ang namumuo sa boses ni Kuya. Uminom na lang ako. Kahit wala akong kinalaman sa nangyari, malamang magagalit si Kuya kapag sinabi ng isa sa amin ang aksidente. Syempre, damay-damay kami. Kami ang magkakasama nang mangyari 'yon. Huminga ng malalim si Zion at sinabi na lang niya ang lahat. Sa kung paano nalaman ni Gwen, sa bugbugan namin kina Martin, at sa mata nilang nag-iba. "Alam ko na ang lahat." Biglang sabi ni Kuya. "Nakita ko kayo kanina. Nakita ko kung paano kayo nagmadaling pumasok sa van, ang pumasok kayong sabay, ang paglabas ng liwanag ng buwan, ang pag-iba ng anyo niyo." Huminga ng malalim si Kuya Sid at tumingin sa amin ng malalim. "Katulad niyo, isa rin ako." "What?" "Ano?" "Kuya, bakit?" "Hindi ka galit?" Sunod-sunod na kaming nagsalita. Napataas ang kamay ni Kuya para sabihing tumahimik kami. "Oo, hindi ako katulad ng mga normal na tao. I mean, katulad niyo ako." Natahimik kami. Hindi namin alam ang sasabihin. Gulat kami. "If that's possible, pati si Gwen?" Tanong ni Zion. Umiling siya. "Hon, I wanna go home." Singit ng babae sa usapan namin at kumapit sa braso ni Kuya. "By the way guys, meet Rose, my girlfriend." Sabi ni Kuya at ngumiti nang pilit para maalis ang tensyon sa amin. "Mauna na kami. Balik ako dito bukas." Umalis na si Kuya't lahat pero ni isa sa amin ay hindi pa rin nagawang tumayo, uminom ulit, o nag-ayang umuwi. Kahit ako, hindi ko maintindihan ng maayos ang sinabi ni Kuya. "Maybe we should be really careful. If not, you know the consequences." Sabi ni Jack at tumayo na kaya sumunod na lang kami sa kanya papuntang parking. "Sama na ko sa 'yo, Woo." Tapik ni Mike sa akin. "Mauna na kayo, Jack. Sunod kami." "Saan punta?" "Sa lugar kung saan may pakikinabangan." Napatawa kami sa sinabi niya. Alam ko na ang ibig niyang iparating... ang pumunta na naman sa dating bahay namin sa bundok kung saan nagsimula ang lahat ng mga kababalaghan sa katawan namin. "Sama na lang kami." Sigaw ni Mikoto. Wala nang magawa ang dalawa kaya sumunod na lang din at nagmaneho na rin kami papuntang Sitio Lagos. Tulog na si Mike sa tabi ko dahil malayo ang lugar na 'yon. Tangna, ginawa akong drayber ng gago. "Hindi ako gago, baka ikaw." Kita mo 'to. Tulog na nga nagawa pang magsalita. "Baliw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD