Georgina Czsharina's POV Nakatayo ako sa may labas ng gusali, it's almost thirty minutes, pero wala pa rin akong nakikitang Austin. Ang usapan namin ay dito ako maghihintay para madali raw niya akong makita. Nakakibit-balikat ako habang dala ang sports sling bag. Lukot ang mukha ko dahil aside sa medyo nababagot na ako sa paghihintay ay nararamdaman kong nagbabadya na ang ulan. "Nasaan na kaya 'yon?" sinipat ko ang suot na wrist watch. It's now 5:30 o'clock. Saktong tumalikod ako ay narinig ko ang malakas na pagbusina ng isang sasakyan. Agad akong napalingon kung nasaan iyon. It's him, walang iba kung 'di si Austin. "Sharina!" tawag pa niya. Sumimangot ako, "ang tagal mo naman," gusto kong ipakita na dismayado ako. "Sorry, na-traffic ako," sabi pa nito na agad lumabas saka pinagbuksa