KUNOT NA KUNOT ANG noo at pawis na pawis na ako kaiikot sa loob ng aking silid. Makailang ulit ko na ring pinagbubuksan ang lahat ng mga drawers at cabinet sa loob, ngunit hindi ko pa rin makita ang hinahanap ko. Minsan pa ay hinugot ko ang itaas na drawer sa kaliwang bahagi ng floor to ceiling na cabinet ko. Hindi ako maaaring magkamali, dito ko lang talaga nilagay ang mga iyon matapos kong tiklupin kahapon, pagkatapos na malabhan. Hindi ko maintindihan kung papaanong nawala na lamang basta ang mga iyon. Napaatras ako at naupo sa gilid ng kama na hindi inaalis sa bakanteng cabinet ang paningin ko. Habang nakatitig doon ay pumasok sa isip ko si Sir Kael. Wala naman kasing ibang pwedeng gumawa ng bagay na iyon kung hindi ito. Alangan namang si Nickos? Ano naman ang kamalayan ni Nickos s