"MANGAKO KA, MAHAL..." nasa mga mata ni Aria ang takot habang may pagsusumamong nakatingin sa aking mga mata. "Mangako kang hindi mo ako iiwan. Mangako kang ako na lang ang magiging huling babae sa buhay mo. Mangako ka, Mahal. Mangako ka na hindi ka na titingin sa iba. Na hindi ka na magmamahal pa ng iba, maliban sa akin." Matamis ko itong nginitian at saka masuyong pinatakan ng mga halik sa mga labi. "Mahal na mahal kita, Mahal." Bumaba ang kamay ko at masuyong humaplos sa wala pang umbok na tiyan nito. "Ikaw, at ang magiging anak natin, kayo na lamang ang magiging dahilan ng bawat paghinga ko." Kasabay ng pagsilay ng matamis na ngiti ay pumatak ang isang butil ng luha sa mga mata ng babaeng pinakamamahal ko. Umangat ang isang kamay ko upang palisin iyon, ngunit muli lang ding napalita