ARHG! NAKAKAHIYA! Kulang na lang ay mapa-padyak ako habang nakatapat sa ilalim ng dutsa at umaagos ang masaganang tubig sa hubad kong katawan. Hinawi ko ng dalawa kong kamay ang buhok ko, patungo sa likuran ko. Saka ako pumikit at tumingala upang salubungin ang pag-agos ng tubig sa mukha ko. My gosh, nakakahiya talaga kay Sir Rafael! Bakit ba kasi hindi ko man lang naisip na mayroong posibilidad, na baka nga mayroon pang naiwan sa mga bisita ni Kael kahapon? Masyado akong naging kampante. Komo wala na akong nakitang sasakyan sa garahe, ang buong akala ko ay nakaalis nang lahat ang mga ito. At ang masaklap pa noon, ang nakatatanda pa nitong kapatid ang naiwan, at nakahuli sa amin sa alanganing sitwasyon. Ano na lang ang iisipin nito sa akin? Na ganoon akong klase ng babae? Na madali