Chapter Thirty Nine

2152 Words

"SO... HOW WAS THE POOL?" Kulang ang sabihin na nanigas ako sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay nagtayuan ang lahat ng buhok ko sa katawan. Parang nangapal ang batok ko. Nawalan ng lakas ang buong katawan ko. Kung maaari lamang na matunaw na lamang ako sa kinatatayuan ko at umagos na parang tubig sa sahig, ay mas mamatamisin ko pa. Pagkatapos ng tagpo namin sa swimming pool ay nagpahinga lang kami sandali ni Kael at isa-isa na muling isinuot ang mga nahubad kong kasuotan. Si Kael ay tanging boxer shorts pa rin ang suot, kung papaano itong bumaba kanina. Ni hindi na kami nagbanlaw, at ang balak ay sa silid ko na lang para tuloy bihis na rin. At saka kami tulong na maghahanda ng lulutuin para sa pananghalian. Ngunit laking gulat namin pareho nang pagpasok namin ng kabahayan ay matanawan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD