Chapter Seventy Six

2250 Words

RAMDAM KO ANG INIT NG TATLONG pares ng mga matang nakatingin sa akin. Bawat isa ay iba-iba ang ipinahihiwatig ng tingin. Pigil ang hiningang tumango ako at pinilit na ngumiti. "O-okay lang ako." Pati sa sarili kong pandinig ay sintunado ang lumabas na tinig. Kaya't tumikhim ako at saka inulit ang sagot ko. "Okay lang ako." Lalo namang nangunot ang noo ni Kael. Anyong hindi naniniwala sa sagot ko. Tumaas naman ang isang kilay ni Sir--este, Kuya Rafael. Hitsura namang naaaliw sa akin. Habang iba naman ang ibinabadya ng mga mata ni Kira. Kung hindi ako nagkakamali ay pagkapoot ang nakikita ko sa mga mata nito. Huwag nang idagdag pa ang nakakuyom na mga kamao. Lihim na napa-angat ang isang kilay ko. Kung tutuusin ay ako pa nga ang dapat na magalit sa kanya. Ipinagpipilitan niya ang kanyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD