Chapter Eleven

2425 Words

"ANO 'IKA MO?!" Malakas na sigaw ng madrasta ko mula sa kabilang linya. Bahagya pa akong napangiwi at nailayo ang telepono sa tainga ko dahil pakiramdam ko ay natulig ako sa lakas ng tinig nito. "Eh, may katangahan ka rin naman pala talaga, eh, 'no?!" Sinabi ko na rito ang ginawang pagtatangka sa akin ni Mr. Espinosa at ang pag-alis ko sa bahay ng huli. "Sana pumayag ka na lang na maging kabit ng amo mo! Nang sa gan'on ay makakahingi ka sa kanya ng pera kahit kailan mo gusto! Napaka-gaga mo talaga!" Abot- abot ang kilabot na naramdaman ko dahil sa sinabi nito. Isipin ko pa nga lang na lumalapat ang kamay ng lalaking iyon sa kahit na anong parte ng katawan ko ay nakakaramdam na ako ng pandidiri. Iyon pa kaya na pumayag ako na maging kabit nito? Pinaglapat ko ng mariin ang mga labi ko at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD