Chapter Thirty Seven

2239 Words

"RHIA..." Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang tinawag ni Kael ang pangalan ko, mula pa kanina. Pero wala itong nakuhang sagot, ni reaksyon mula sa akin. Patuloy lang ako sa paglilinis ng mga kalat na iniwan ng mga ito sa tabi ng swimming pool. Nauna ko nang nilinis ang loob ng bahay, pagkagising ko pa lang kaninang umaga. Natutulog pa siya. Hindi ko na alam kung anong oras na nagsi-uwi ang mga bisita nito kagabi. Pero sigurado ako na hanggang sa makatulog ako ay narito ang mga iyon at nag-iinuman. Nakahiga na ako para matulog ay naririnig ko pa ang mga iyon na nagkaka-ingay, dito sa labas. Mabuti na nga lang at medyo malayo ang agwat ng bahay ni Kael sa ibang bahay, kung hindi ay baka inireklamo na ang mga ito ng mga kapitbahay. Sa hapunan ay wala na sana akong balak na bumaba p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD