Chapter Thirty Six

2506 Words

"HUWAG KA NANG BUMABA, HA. Magpahinga ka na lang dito sa kwarto mo, pagkakain. Ako nang bahalang kumuha diyan sa pinagkainan mo mamaya, pagka-alis ng mga bwisitang 'yon." Iyon ang kabilin-bilinan sa akin kanina ni Kael, matapos akong hatiran ng pagkain dito sa kwarto. Ayon sa lalaki ay nasa ibaba pa raw ang kapatid at mga pinsan nito kaya't makabubuti kung mananatili muna ako sa silid ko para hindi ako kulitin ng mga ito. Ang sabi nito ay pakakainin lang nito ang mga bisita nito, pagkatapos ay paaalisin na rin kaagad. Pero sa tingin ko ay malabong mangyari ang sinasabi nito dahil mukhang ngayon pa lang nag-uumpisa ang kasiyahan. Mula rito sa silid ko at naririnig ko pa ang maingay na tawanan at hiyawan ng mga lalaki na nanggagaling sa likod ng bahay, kung saan naroon ang swimming pool.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD