"AND WHAT IS FAIR?" Naka-angat ang isang kilay na bumaling akong muli rito. "Iyong sinasabi mo sa akin na mahal mo ako, pero kasabay n'on sasabihin mo rin na may ibang babae pang laman ang puso mo? Na mananatili mong mamahalin habang nabubuhay ka?" Napapailing na matabang akong tumawa. "Bakit? Ilan ba ang puso mo?" Bumaba sandali ang tingin ko sa may parteng dibdib nito saka muling umangat sa mukha nito. "Gaano ba kalaki 'yan para kayaning magmahal ng dalawang babae ng sabay?" "Rhia, hindi naman gan'on ang ibig kong sabihin--" Mainit ang tinig na apela nito. "Eh, ano?" Pero mas mainit ako. Mas mataas ang tinig ko. Kaya't biglang baba ang sa kanya. "Wala na si Aria." "Pero mahal mo pa rin siya?" Naka-angat ang isang kilay na mabilis kong balik. "Yes. But it's a different thing." Giit