Chapter Seventy Two

1931 Words

NAPAMAANG AKO AT ilang sandaling natigilan nang pagpasok ko sa kusina ay salubungin ako ng masaganang almusal na nakahain sa hapag kainan. Nakahain na ang mga iyon sa mesa. Habang ang salarin, at tiyak kong may gawa ng lahat ng iyon ay nakatalikod pa at nakaharap sa kalan. Base sa pandalas na kabubusa nito sa kung ano mang niluluto sa kawali at matapang na amoy na rin ng bawang sa buong kusina ay nahinuha kong nagsasangang ito ng kanin. Dahan-dahan akong lumapit. Nakatalikod pa rin ito sa akin at hindi pa rin namamalayan ang presensya ko. Ang mga mata ko ay nakatutok sa naroong mga nakahain. May daing na bangus at tawilis na may sawsawang suka na may bawang at sili. May ginayat na sibuyas at kamatis din. Pritong hotdog, bacon, at omelette. Mayroon ding ginisang corned beef at ham. May tas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD