Chapter Fifty One

2254 Words

"LADIES AND GENTLEMEN..." Sandali pa muna akong nilingon ni Kael. Umangat ang gilid ng mga labi sa isang matabang na ngiti, bago muling bumalik ang tingin sa nakangangang pamilya at muling nagpatuloy. "Meet my girlfriend, Beatrice." Kung nalaglag ang mga panga ng mga ito kanina nang walang pagdadalawang isip at malupit na paalisin ng binata si Kira, ay mas lalo ngayon, dahil sa inanunsyo nito. Pumailanlang sa paligid ang mga singhapan ng aming mga kaharap. Partikular na ang Senyora at ng mga tiyahin ni Kael. Ang iba ay hayagang hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay ikinumpas ang mga hawak na abaniko, na akala mo ba ay isang nakahihindik na balita ang inihayag ni Kael. Habang ang iba naman, kabilang na ang Senyora ay purong pagkabigla at tinging hindi makapaniwala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD