Nasa hardin si Abby at tinutulangan niya si Pedro na magbunot ng mga damo. Hardinero kasi ang lalaki minsan sa CASA dahil katulad niya itong working student dati. Ang totoo ay pwede naman talagang hindi na ito magtrabaho sa Hacienda dahil naghihintay nalang itong pumasok sa skwelahang ina-applyan ng lalaki at pinalad na natanggap kahit hindi pa naman board passer. Private naman kasi ang skwelahan kaya madali itong nakapasok doon. Tapos na din kasi siyang maglinis at magluto sa loob ng mansion kaya naisipan niya itong tulungan. "Congratulations Pedro. Teacher ka na." Aniya sa lalaki habang may hawak itong hose at nagdidilig ng halaman. Napakamot naman ito sa batok at nahihiyang tumingin sa kanya. "S-salamat Abby. Pangarap ko kasing tulungan si nanay kaya ako naghanap ng trabaho kaagad.