Ilang buwan matapos maoperahan ang nanay ni Abby ay hindi din nito kinaya. Palagi itong dinadapuan ng sakit at habang dumadaan ang mga araw ay mas nanghihina ito. Una pa lang ay sinabi na nang doctor na kahit maoperahan ito ay hindi magiging sigurado na maagapan ang cancer sa pagkalat dahil nga lumalala na ang kalagayan ng ina. Doble ang sakit na balik kay Abby dahil siya ang nag aalaga sa nanay niya araw-araw at nakikita niya ang paghihirap nito. Hanggang sa hindi na nito kinaya at tuluyan na itong nalagutan ng hininga at hindi na gumising. "N-nay...." yakap niya sa katawan ng ina. Galing siya sa Casa dahil patuloy pa rin siyang nagtatrabaho doon. Ang tatay niya ang nagbabantay dito ngayong araw at parang sinabugan siya ng bomba ng sinabi nitong wala na ang nanay niya. "Nay! Huwag p