Sinag na galing sa bintana ang gumising kay Abby. Napabalikwas siya ng bangon at sandaling hindi nag sink in sa kanya kung nasaan siya. Noon lang pumasok sa isip niya ang nangyari nang nagdaang gabi. Namula agad ang kanyang pisngi nang maalala ang mga ginawa nila ni Damon.. Wari niya ay mahihirapan siyang maglakad sa mga oras na iyon dahil sa mahapdi ang kanyang p********e. Napatunayan niyang hindi basta-basta ang lakas ng amo niya at parang hindi nito alam ang salitang pagod. Mabuti nalang at malakas naman ang resistensya niya at nakaya niyang tapatan ito kagabi, kaya lang ay ito nga, mukhang kailangan niyang magtiis sa tuwing maglalakad. Narinig niyang bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa ang lalaking dahilan kung bakit hindi siya makalakad. May nakasabit lang na tuwalya sa bewang n