Malalim na ang gabi pero hindi parin dalawin ng antok si Abby. Kanina pa tapos ang selebrasyon ng birthday niya at tulog na din ang mga magulang sa kabilang kwarto. Naging masaya naman ang selebrasyon kahit simple lang iyon. Hindi naman siya naghahangad ng iba pa at ang importante sa kanya ay malusog ang mga magulang. Sinabi niya na nga na pwedeng hindi na sila maghanda ngunit tigas ang tanggi ng nanay niya. She's finally eighteen, still a teenager but barely legal. Nag iisip siya kaya hindi siya makatulog. Naalala niya ang maliit na kahon na binigay ni Damon kanina. Tumayo siya at hinugot sa damitan ang pinaglalagyan ng kanyang mga importanteng gamit. She wonder what could possibly inside this small box. May maliit itong padlock sa gilid at walang kasamang susi kaya hindi niya mabubuk