Kanina pa tinatanaw ni Abby ang nanay niya. Hindi siya mapakali dahil alam niyang may hindi ito sinasabi sa kanya. Narinig niya ang tatay niya kagabi na umiyak sa loob ng kwarto ng mga ito. Kinatok niya ang mga magulang ngunit hindi siya pinagbuksan ng mga ito. Kinakabahan siya dahil seryoso palagi ang usapan ng mga ito na para bang takot na malaman niya. "Nay? Okay lang po ba talaga kayo?" Tanong ni Abby sa kanyang ina na nakaupo sa pahaba nilang plastic na upuan. "Ilang beses mo nang tinanong iyan Abby. Okay nga lang ako." Anito na alam niyang nagpipilit lang pasiglahin ang boses. Tinitigan niya ang ina mula sa kinatatayuan. Humpak ang pisngi nito at maputla. Malaki ang ibinawas ng timbang ng ina kaya nabahala na siya. Ilang beses na din itong nagpabalik-balik sa hospital para magpa