Alas singko na ang hapon at kinakabahan na si Abby. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Damon na susunduin siya ni Valeria ng alas sais. Kanina pa text ng text si Valeria at sinabing mag handa na siya. Ang problema ay hindi pa siya nakapagpaalam kay Damon. Kakatapos lang nilang kumain at nasa banyo ang lalaki para maligo. Nang lumabas ito ay kumunot ang noo na nakatutok sa kanya ang tingin. "You look bothered, may problema ba?" anito habang nagpupunas ng buhok sa dala nitong towel. "Ha? Ah.. eh, ano kasi senyorito may gusto sana akong sabihin sa-" hindi niya natapos ang sasabihin dahil biglang tumunog ng malakas ang cellphone ng lalaki na nasa bedside table. Bahagya lang iyon sinulyapan ni Damon ngunit hindi naman sinagot hanggang mawala ang tunog. Bumalik ang tingin nito sa kanya