KABANATA 47

1981 Words

***EYRNA*** Nang sumunod na araw, maagang-maaga, ay ipinasya ni Eyrna na gawin ang naisip niyang paraan upang malaman kung tama ang hinala niyang si Darion nga ang hinahanap ng mga rescuer na sakay ng mga helicopter na pabalik-balik sa bundok. “Sa aking pagkakaalam, sinabi sa akin ni ama noon na doon sa mga bundok na iyon nila nakita si Darion. Nakasabit daw siya sa malaking puno at walang malay,” sagot ni Yuwana nang tinanong niya kagabi pa kina Yuwana kung saang bundok nakita noon si Darion ng mga mangangaso. “Saan doon?” “Iyong medyo natatakpan daw ng bundok na iyon. Iyong pangatlo mula rito sa bundok ng Bissang.” Tuman go-tango siya. Medyo mahirap tiyakin kung saan ang sinsabi ni Yuwana pero nagpasalamat pa rin siya. At least, may ideya na siya kung saan sila pupunta ni Darion.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD