The Forbidden Fruit Chapter 6 Nang matapos kaming mag-breakfast ay nagtaka pa ako nang utusan ako ni Demon na magbihis ng bagong damit. Kaya kahit na nagtataka ako ay nagbihis nalang ako at lumabas ng bahay. Pero bigla akong natigilan sa nadatnan ko sa labas. Si Demon na nakasandig sa Lambhorghini Aventador nya at…at…ang gwapo nya…! Para syang hot male model na imino-model ang sasakyan na yun! He smiled when he saw me and I almost gasped for air. “Get in” he said saka nya binuksan yun. At para naman akong na-hypnotized na naglakad papunta doon at sumakay sa tabi ng driver’s seat. Pero teka lang… Nilingon ko sya. “Saan ba tayo pupunta?” ang tanong ko. He smiled. “We’re going on a human date” Saka nya isinira ang pinto na nasa tabi ko at naglakad sya papunt