The Forbidden Fruit Chapter 7 Agad kaming umuwi ng bahay matapos yun at pinapahinga sya sa loob ng kwarto ko. Doon lang din namin nalaman na nilalagnat sya. “Tao na sya kaya nararanasan na nyang magkasakit…” ang sambit ni Ms. Suzanne habang pinupunasan ng basang bimpo si Demon. Habang nasa tabi ako ng kama ay hinawakan ko ang mainit na noo nya. “J-jane…” he kept on calling my name kahit na tulog na sya. “Oo, nandito lang ako Demon…” I whispered. Ano kaya ang napapanaginipan nya at tinatawag nya ang pangalan ko? “Master…” ang nag-aalalang sambit naman ni Hildegarde sa likod ko. Samantalang nasa pinto lang ng kwartong iyon si Cedric at kahit hindi nya sabihin ay nakikita kong nag-aalala rin sya sa master nya. Tumayo nalang si Ms. Suzanne at malungkot na tinignan ang anak. Tinigna