Chapter Fifteen

1075 Words
San Isidro Medical Center April 02, 2015 12:20 PM   Naabutan nina Homer at Andy si Menchie Castro na nakatayong umiiyak, nakatakip ang bibig habang sumisilip sa loob ng ICU. Isa na naman kasing kababalaghan ang kasalukuyang nangyayari roon mismo sa loob. “Anong nangyari?” tanong ni Homer sa tanging babaeng nakatanay mula sa salamin, kay Menchie. “Iyong likuran naman niya ngayon...” “Huh?” “Naulit uli ang pagliliyab niya,” paglilinaw nito. “Sa likuran naman po niya ngayon.” Nagawa nang humarap ngayon ni Menchie sa kanila. Mugto ang mata nito kaiiyak. “Kailan ito nangyari?” tanong ni Andy. “Kanina lang po, mga alas-dose.” “Pwede mo bang i-describe ang naganap kanina?” Hindi agad sumagot si Menchie. Hindi niya alam kung dapat bang magbigay siya ng mga impormasyon sa mga ito, hindi kasi sila naka-uniporme gaya ng mga naunang pulis na nakausap niya.  Naramdaman agad ito ni Homer kaya naman nilabas niya agad ang kanyang ID. “I’m sorry kung hindi ako nakapagpakilala agad. Police Inspector Homer Zapanta ng SIPD, ako ang lead investigator ng kaso ng pagkamatay ni Diane Intal-Pria at responsibilidad ko rin itong si Rick Pria.” Tinuro niya ang kanyang kasama. “Ito naman si Private Investigator Andrea Moreno—” “Andy,” correction ni Andy sa dalagita. “Andy na lang, huwag Andrea.” Lumapit ito at tinapik-tapik ang balikat ni Menchie, bilang pampakalma. Bahagya silang natulala mula sa nasisilip nilang kaganapan doon sa loob. Gusto sanang pumasok ni Homer ngunit nag-alangan din dahil baka makaistorbo pa siya sa trabaho ng mga doktor. Ang naisip na lang niyang gawin ay interviewhin ang babaeng kasama nila. “Kaano-ano mo itong si Rick?” sabi niya pagkalingon kay Menchie. “Bestfriend po.” “Pangalan?” “Menchie Castro po.” “Menchie Castro?” tanong ni Homer na may tono ng pagtataka, na para bang narinig na niya ang pangalan noon, hindi lang siya sigurado. “Pwede ka ba muna naming ma-interview habang hinihintay natin ang kalagayan ni Rick?” Binigyan ni Menchie ng tingin ang ICU, na para bang gustong humingi ng permiso kay Rick kahit pa hindi pa bumabalik nang tuluyan ang kamalayan nito. Marahan itong bumalik ng tingin sa kanila. “Okay lang po. Pero pwedeng dito niyo na lang ako tanungin?” Wala namang kaso iyon sa dalawa. Batid nila na ayaw mapahiwalay nitong si Menchie sa bestfriend niya. Umupo sila sa may tabing upuan. Nilabas ni Homer ang kanyang notes at nagsimulang magtanong, “Ayon sa mga sources ko, ikaw ang sumagot ng lahat ng mga gagastusin nitong si Rick sa ospital, tama ba?” “Ay, naku, hindi po ako kundi ang Tita ko po.” “Anong pangalan?” “Malou Castro.” “Saan siya nagtatrabaho?” Sa tanong na ito ni Homer, napaangat ang kilay ni Andy. “Teka, kailangan pa ba iyan?” pabulong nitong sabi. Inisnob lang iyon ni Homer. “Sa Canada po,” sagot ni Menchie. “Isa po siyang IT specialist.” “Ooh, IT. Maganda-gandang trabaho.” Tinignan nang masama ni Andy ang kasama. “Homer.” “Okay, okay,” sabi ni Homer. “So Menchie, kilala ba nitong si Malou itong si Rick? Kusa ba siyang tumulong?” “Ako po itong pumilit sa kanya na tulungan si Rick. At opo, kahapon pa lang po niya nakilala.” “Nakilala... sa balita?” “Uh, hindi po. Nasa bahay po namin si Rick kahapon.” “Nasa inyo?” diin ni Homer. May kaunting pride na nabuhay sa loob niya, na tama siya ng paghusga na kailangan nga niyang ma-interview ito. “Mga anong oras iyan?” “Mga tanghali po.” “Anong ginawa niya roon sa inyo?” Napatitig sa kawalan si Menchie habang inaalala ang mga pag-uusap nila ni Rick kahapon. “Nakita ko pong may sugat siya sa noo niya kaya ginamot ko po agad iyon. Tinanong ko kung sinong may gawa no’n sa kanya, sinabi niya si Auntie Diane daw. Nagtanong-tanong pa ako kung bakit pero hindi na siya nagsalita pa.” “Anong oras siya umuwi?” “Mga mag-aala-una po,” sa sagot na iyon ni Menchie, nagkatinginan muli sina Homer at Andy. “Okay, Uh—” “Doc!” sigaw agad ni Menchie mula sa kalalabas lang na doktor galing ICU. “Kumusta na po si Rick, Doc?” Napatayo agad sina Homer at Andy at bumuntot kay Menchie. “Nawalan uli ng malay ang pasyente,” sabi ng doktor. “Mas matindi nga lang ang inabot niya ngayon kaysa noong nakaraan.” Napabaling ang tingin nito sa dalawang imbestigador na kasama ni Menchie. “Oh, kayo po pala, Inspector. Mukhang kailangan niyo po itong makita.” Nagkatinginan sila Homer at Andy at waring parehas sila ng itinanong sa kanilang mga isipan. Anong mayro’n? Pinagbuksan sila ng pinto ng doktor at sabay silang apat na pumasok. Ang sunog-sunog na bed sheet ay abalang tinatanggal ng ibang mga nurse papatabi sa gilid. Ilang mga gamit din ang nadamay, may mga itim-itim ang ilan sa mga ito na parang nasunog na sinaing. May mga tubig ding nakahanda sa tabi sakaling maulit muli ang mga pagliyab. Gayunpaman, nananatiling humihinga at pikit ang mata ni Rick Pria. “Nurse, ipatagilid niyo ang katawan niya,” utos ni Doc. Lumapit silang apat sa tabi ng higaan ni Rick habang pinapatagilid ang katawan nito. At nang makita na nila ang tinutukoy ni Doc, tingin ni Andy, lalong naging interesante ang buong sitwasyon. Sa likuran ni Rick, bukod sa star symbol, may mga bagong nakasulat na ngayon sa kanyang katawan. Para itong inukit gamit ang nag-aalab na espada. Noong una ay hindi nila ito maintindihan. Tila ba ibang lenggwahe ang mga salitang naroroon. Kinuhanan iyon ni Homer ng litrato at si Andy naman ay nag-request sa kanyang mga tauhan ng translator. Kalahating-oras din bago nila maintindihan ang nakasulat. May pangalawang parte na hindi kompleto, ang tanging kompletong pangungusap ay:   Come to me those of you who have sinned this man.   “Walang ibang taong gumawa nito sa kanya?” sabi ni Homer. “Wala ho,” sabi ng doktor. Sa pagtitig sa mga salitang iyon sa likuran ni Rick, binalot ng takot at pagtataka ang kanyang kabuuhan, mga bagay na hindi niya madalas maramdaman. Mukhang tama nga siya sa pag-akalang hindi ito isang ordinaryong kaso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD