(Ayesha) MATAGAL na nagtama ang mga mata namin ni Chance Alpuerto. Sa huli ako ang unang nag-iwas ng tingin. May kung ano kasi sa mga mata niya na nakabahala sa akin. Bata pa si Chance katulad naming lahat na naroon sa classroom na ‘yon. Pero ang mga mata niya kakaiba. His eyes look… old. Na para bang sa edad niyang ‘yon ang dami na niyang nakita at napagdaanan. Mga bagay na hindi nakikita ng normal na teenager. Mas lalong hindi ako komportable sa nakita kong disgusto sa mga mata niya. Emosyong alam ko na para sa akin. Pero bakit? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya ah. “Ayesha? Bakit nakakunot ang noo mo? Ganiyan ba dapat ang reaksiyon kapag nakakita ng guwapo? Ang weird mo,” bulong sa akin ni Raye. Kumurap ako at nilingon ang kaibigan ko. “Nakakunot noo ba ako? Hindi ko na