KINABUKASAN ng hapon naabutan ko nga ilang bloke ang layo mula sa school gate ang sasakyan ni Cain. Lumabas mula sa driver’s seat si Arnold nang siguro makita akong lumabas ng school. Napalunok ako at huminga ng malalim. Ilang sandali na lang personal ko nang makikilala ang pamilya Alpuerto. Kabado ako sa totoo lang. Pero kailangan kong maging matapang. Tahimik lang ako buong biyahe mula sa bayan ng Tala hanggang sa Maynila. Kahit nang ihinto ni Arnold ang kotse sa parking lot nang isang mataas na gusali. Na nalaman kong isa palang maganda at halatang mamahaling hotel nang sumakay kami ng elevator at bumukas ‘yon sa twenty-ninth floor. “Bakit tayo nandito?” basag ko sa katahimikan habang manghang iginagala ang tingin sa paligid. Sandali lang ako tinapunan ng tingin ni Arnold na nauuna