Ryven's POV Halos araw araw ay pinupuntahan ko si Raine sa mansion ng mga Antonetti. Tatlong linggo na ring mahigit ang lumipas simula ng binigyan nya ako ng isa pang pagkakataon upang patunayan ang aking sarili. Araw-araw ay sobrang saya ng aking puso dahil kay Raine. Si Hanz na lamang ang kasama ko dito sa Milan dahil kailangan ng bumalik nila Isaac at George ng Pilipinas dahil sa napapabayaang business nila. Sa mga susunod na araw ay kinakailangan na rin naming bumalik ni Hanz ng Pilipinas. Kailangan ko ring harapin ang mga nakabinbin kong trabaho at bilang CEO ng company kinakailangan kong gampanan ang aking posisyon. Hindi ko alam kung paano ako magpapa-alam sa babaeng mahal ko, Walong buwan ng mahigit ang kanyang dinadala at sabi ng doctor anytime ay maaari na rin syang mangan