Raine's POV Mag aalas sais ng gabi ng pinatawag ako ni kuya Ray. Tinulungan akong alalayan ng aming kasambahay sa pagbaba ng hagdan patungo sa garden kung nasaan ang may malaking gazebo ruon malapit sa malawak na swimming pool. Palapit kami ng kasambahay namin na si Leni ng mapansin ko ang tatlong bulto na nakaupo sa loob ng gazebo. Bumilis ang pintig ng aking puso habang papalapit kami at may sumilay na napakatamis na ngiti sa aking labi. "Bakit ka namumula couz? Kinikilig ka ba dahil nandito si Rye? Aish! Manganganak na nakukuha mo pang kiligin?" Ani nya na nang-aasar na naman. Pinandilatan ko sya ng mata at nagbago ang anyo ko ng lumingon sa gawi ko si Rye. Parang nag slow motion ang lahat sa akin. Napaka gwapo at napaka kisig talaga ng lalakeng itinitibok ng aking puso. Hindi ko