Ryven's POV Pagkalapag na pagkalapag ng private airplane namin dito sa Milan ay mabilis na kaming lumabas ng airport ni Isaac. Bawat hakbang ko ay may pagmamadali dahil gusto ko ng makita si Raine at aming kambal na anak at gusto ko ng ipaliwanag sa kaniya na ang lahat ng ipinadala sa kaniya ay paninira lamang. Matagal na ang mga larawang 'yon kaya sana ay pakinggan niya ako. Sobrang kaligayahan ang aking nararamdaman ng malaman ko kay Ray na kambal ang isinilang ni Raine. Habang sakay kami ng sasakyang sumundo sa amin pauwi sa aming mansion ay hindi mapukaw ang mga ngiti sa aking labi. "Bro parang naka laminate lang 'yang mga ngiti mo ah." Panunukso sa akin ni Isaac. "Bro kambal, dalawang lalake agad ang aking anak." Nakangiti kong ani na hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala.