Ryven's POV Kinabukasan nga ay naisipan kong tumungo sa mansion ng mga Antonetti pagkatapos ipaalam sa akin ni Ray na nakauwi na sila. "Sigurado ka ba bro?" Tanong ni Isaac sa akin at ngumiti naman ako dahil sabik na sabik akong mahawakan ang aking mga anak at mayakap muli si Raine. "Susubukan kong muli na paliwanagan sya." Ani ko habang papasok ako ng aking sasakyan. "Sasama ako." Wika nya at mabilis na sumakay sa tabi ng driver's seat. Kahit naman kasi hindi ko isama si Isaac ay pupunta at pupunta siya sa bahay ng mga Antonetti dahil gusto niyang makasiguro na hindi ako mapapahamak. Hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa mansion nila at agad din naman kaming pinapasok ng mga guard ng mga Antonetti. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakangiting mukha ni Ray at Roxanne ang sumalubong