Chapter 5

1791 Words
Chapter 5               Ilang oras nang naghihintay si Nathalia sa waiting shed sa labas ng eskwelahan. Halos isa at may kalahating oras na siyang nakatanga at inuugatan saka pawis na siya sa sobrang init pero wala pa si Vince. Tirik na tirik na ang araw at gutom na siya pero mukhang nakalimutan na siya ng lalaki na nangako na susunduin na lang siya ngayong tanghali dahil maaga ngang umalis kasama ang Daddy niyon. She checked her phone for the twentieth time but still no message. She tried calling Vince so many times but looks like she was really taken for granted. Naiiyak na tuloy siya kasi umasa na siya. She feels like she was left behind because she’s just Nathalia Subido, hindi sosyal, hindi mayaman, hindi pwedeng iharap sa madla dahil sa mga simpleng suot niyang damit. Hindi lang mata niya ang umaalburuto sa luha kundi pati na ang tyan niya ay kumakalam na sa gutom. Masama bang umasa na darating ang ang lalaking ginugusto niya na nangako sa kanya? Binibigyan niya iyon ng t’yansa pero mukhang mali siya. Ang mahal mahal pa naman kung magta-taxi siya, inaabot ng three hundred isang larga papunta sa San Andres Subdivision. Kung magdi-dyip siya, aabutin na siya ng halos isang oras at may kalahati para makauwi. Sana pala pumayag na lang siyang sunduin ng Papa niya pero tumanggi na siya kaya naroon na iyon ay may inaasikaso na. Anong inam naman na isang linggo pa lang siya na nag-aaral sa Manila ay parang gusto na niyang huminto. Ang hirap-hirap hindi tulad sa probinsya na isang sakay lang dyip ay ayos na. Kaso sino naman ang uuwian niya sa probinsya kung wala na ni isang kamag-anak ang naiwan nila roon? Mas lalong ayaw niya roong mag-isa. Wala na siyang choice kundi ang mag-commute na lang ngayon at magtiis ng byahe ng isa at kalahating oras. Wala na si Vince, hindi na siya naalala. Biglang kumirot ang puso niya sa kaisipan na kasama pa no’n si Alyssa sa mga oras na iyon kaya yata nakalimutan na siya. Umiling si Nathalia. Hindi siya mapagbintang na tao pero sana na lang ay tuparin ni Vince ang sinabi na siya ang gusto no’n at hindi ang kababata na si Alyssa. Takip sa ulo ang bag ay lumabas siya sa shed at nag-abang na lang siya ng dyip na pwedeng sakyan hanggang sa may tumigil na itim na rover sa harap niya. Tumabi pa ang dalaga dahil parang sadyang gusto siyang mahagip ng impaktong driver ng sasakyan. “Hoy Manong, ang lawak naman ng daan! Yabang nito.” gigil na asik niya. Ewan niya kung naririnig siya ng lintik na driver pero wala siyang pakialam. Gutom na siya at mainit ang ulo niya kaya huwag itong haharang-harang sa harap niya at magkakalintikan sila. Maya-maya ay bumaba ang bintana ng pintuan sa backseat at sumilip doon ang isang pamilyar na mukha. Awtomatikong nawala ang pagkasalubong ng mga kilay ni Nathalia at napapormal siya.  “Mr. de Lorenzo,” nakagat niya ang labi dahil sa hiya. Parang gusto pa nga niyang kagatin pati ang daliri. Presidente ng kumpanyang pag-o-ojt-han niya ang sinigawan niya. Pormal na pormal ang dating nito at parang ayaw na ngumiti. Tinitingnan lang siya ng binata hanggang sa bumuka ang bibig nito para magsalita. “Hop in, sweetheart.” anang lalaki kaya parang nangaligkig pa siya dahil sa tinawag nito sa kanya. Makailang beses siyang kumurap bago nakahanap ng isasagot. “H-Hindi na po. Salamat. Hinihintay ko po ang…b-boyfriend ko.” aniya rito. Hindi nga niya alam kung totoong boyfriend na niya si Vince. Ang dark brown na mga mata ni Nexus de Lorenzo ay hindi maputol ang pagkakatitig sa mukha niya. “He forgot you. Come on. Hindi kita aanuhin. Don’t be afraid. It’s a long drive, Nathalia Kim.” anito sa kanya na lalo niyang ikinagulat lalo pa sa sinabi nito na nakalimutan na siya ni Vince. At kilala siya nito? Hindi s’ya umimik. May tama naman ito pero parang ang pangit tingnan na sasabay pa siya sa isang lalaki na hindi naman niya gaanong kakilala? Oo nga at may dalawa naman itong bodyguard na kasama pero hindi pa rin iyon maganda. “Salamat na lang po pero hindi po magandang tingnan na sasama ako sa inyo. Pasensya na po Mister de Lorenzo.” nginitian pa niya ito bago siya umalis papasakay sa jeep na pinara niya at tumigil sa likuran ng kotse nito. Ni hindi niya alam kung ngumiti rin ba ito o ano. Hindi yata ito ang tipo na madaling ngumiti, base sa pagkakakita niya sa tabas ng mukha nito at sa personalidad nitong tahimik. Parang ngumingiti lang ito ay kapag mang-aakit ng babae at masisiyahan sa ginagawa. Kahit medyo masikip sa loob ng dyip ay nagpumilit na si Nathalia na makasakay kaysa sa hindi pa siya umuwi at mamatay na siya sa gutom pero laking gulat niya nang masilip niya na bumubuntot ang sasakyan ng lalaking kausap niya kanina sa pampasaherong jeepney na sinasakyan niya ngayon. Baka hindi naman. Assuming ka. Saway niya sa sarili. Bakit naman siya bubuntutan ni Mr. de Lorenzo? Itinuon na lang niya ang pansin sa unahan ng jeep. Symepre, baka ang daan ng lalaki ay sa daan din na papunta sa terminal kaya yata nakabuntot pero mas lalo siyang nagulat niya nang bumaba siya ay nakahinto rin ang sasakyan ni Nexus sa may paradahan. Kitang-kita niyang nakatingin iyon sa kanya dahil nakababa na naman ang bintana ng sasakyan nito. He’s smoking with his crinkler brows. Gusto na yata siya nitong tumawin sa mga titig. Saka bakit ba siya sinusundan nito? Baka galit din ito sa kanya kasi nakatira siya sa mga San Andres. Tumayo na muna siya sa may gilid ng poste kasi punung-puno na ang byahe pero hindi pa lumalarga. Pinipilit pa siyang sumakay ay sikip na sikip na naman. Baka kalahati na lang ng pwet nya ang makaupo sa upuan. “Why not come and have a ride with me?” tanong ng isang lalaki sa tagiliran niya kaya kaagad siyang napabaling ng tingin sa gawi nito. Si Mr. de Lorenzo na naman. Ang kulit din pala ng lalaking ito. “Hindi na po. Baka po magalit si Vince.” magalang na tugon niya pa rin. Tiningala niya ito at nakita niyang tumaas ang isang sulok ng labi ng binata habang nakatingin sa isang babaeng naka-uniform ng nursing. Maganda ang babae at mukhang type ang gwapong Presidente ng de Lorenzo Empire Towers. Naniningkit ang mga mata ni Nexus sa pagkakatitig sa estudyante. Malantod ang makulit na de Lorenzo. Maya-maya ay tumingin ito ulit sa kanya kaya huling-huli siya nitong nakatitig sa mukha nito. He’s terribly handsome lalo na sa malapitan talaga kaya lahat ng mga mata ng kababaihan ay nakatutok dito lalo pa nga at ang angas ng dating at sobrang linis kung titingnan. He really looks wealthy and his stance showcases who he is. Nabawi ni Nathalia ang mga mata at saka nahihiyang tumungo. “Okay then.” biglang sabi na lang ni Nexus. Parang nakaramdam pa siya ng pagkairita. Nakakita lang ng maganda at sexy na nursing student, hindi na nagpumilit na isabay siya? Sinarili na lang niya ang pag-iling lalo na nang pasimple itong ngumiti sa babaeng estudyante na napakaikli ng palda at halatang wala pang short na suot. He walked back to his car and open the car”s door. Tumingin pa ito sa kanya bago sumakay ulit doon pero sa pagtataka niya ay hindi pa ito umalis. Hanggang sa bumaba ang driver ni Nexus at hinanap ang driver ng jeep na sinasakyan niya. Wala na roong tao kung hindi siya pa lang at ang dalawa ring estdyante. Mga bente minutos ang hihintayin niya para mapuno ang jeep at medyo matagal ‘yon. “Isang libo. Ilarga mo na raw ang jeep kahit tatatlo ang pasahero sabi ng boss ko.” sabi ng lalaki na ikinalaglag ng panga niya. Mabilis naman na tumango ang driver at lumaki ang ngisi. “Areglado.” Bakit naman pinaalis na kaagad ang jeep? Ano bang problema ni Mr. de Lorenzo at ganoon ang takbo ng utak? Wala na siyang nagawa nang sumampa ang driver sa jeepney. Ang driver naman ni Nexus ay tumingin sa kanya at nag-bow ng ulo. “Para raw po komportable kayo Ma’am, sabi ni boss.” sabi lang niyon sa kanya kaya naituro pa niya ang sarili. “A-Ako po?” takang tanong pa niya. Tumango lang iyon bago umalis sa may pinto ng pampasaherong sasakyan. Nang magsimulang umandar ang sasakyan ay bumuntot na naman ang kotseng sinasakyan ni Nexus sa kanila. Grabe! Napasandal siyaang dalaga sa sandalan para maitago ang sarili. Naiilang na siya ng husto sa ikinikilos ng lalaki at maging sa paraan ng pagtitig sa kanya. Hindi siya tumitingin sa labas ng jeep sa kahabaan ng byahe at nang oras na para bumama at sumakay siya ng tricycle ay ganoon din ang naging gawi ni Nexus. Pinalayas ang tricycle kahit siya lang ang sakay tapos ay bumuntot hanggang sa makapasok siya ng subdivision. Pero ang ipinagtaka niya ay bakit authorized itong pumasok doon ay mukhang magkagalit ang Don at si Nexus? Pagakababa niya ang tricycle ay hindi mapigil na hindi siya lumingon sa sasakyan nitong nakaparada sa kabilang side ng kalsada. He’s staring at her and his eyes are so fierce. Wala na siyang nagawa kundi ngumiti na lang kaysa bigyan ng malisya ang ginagawa nito. Maybe he’s just concerned. And by a single glance at that nursing student, mukhang hindi ang tulad niya ang tipo nito dahil ubod iyon nang ganda na pwedeng gawing isang artista. Baka naman gusto lang makipagkaibigan sa kanya ng lalaki kaya nagpapakita ng kabaitan. He showed a very light smile which was barely noticeable. Para siyang kinabahan sa ngiti na ‘yon at nakaramdam ng mumunting hiya. “Salamat po.” sabi pa niya. Sana lang narinig nito ang boses niya na mas malakas pa ng hikab. “My pleasure, sweetheart.” sagot niyon na kahit na may kahinaan ay rinig na rinig niya. Sweetheart daw ulit. Bago pa man lang siya makapag-react ay umalis na ang sasakyan nito at naiwan siyang nangingiti sa may labas ng gate. She can’t stop herself. What he did is truly unusual. Kahit paano ay napabilis ang pag-uwi niya dahil sa ginawa ng lalaking ‘yon. And it made her safe, too. Buti na lang, kahit na inugatan na siya sa paghihintay kay Vincent ay may isa pa rin na nagpakita sa kanya ng concern kahit na hindi naman sila magkakilala talaga. At sana ganoon na lang si Vince.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD