Mahal talaga niya ang lalaking ito, kahit noon pa man.
Nasa high school pa lang sila, may lihim na siyang pagmamahal kay Kurt Vergara. Takot lang siya, ayaw lang n'yang aminin dahil baka masaktan lang s'ya.
Dahil nga mahirap lang sila.
Kilala naman sina Kurt hindi lang sa kanilang maliit na bayan ng Imperial.. Ang angkan nina Kurt ay makapangyarihang angkan sa buong lalawigan nila.
Takot s'ya sa isang katotohanan na baka hindi s'ya magustuhan ng isang tulad ni Kurt. Natutunannn'ya ng mahalin si Kurt kahit palihim lang.
At takot s'ya sa isang realidad na hanggang ngayon, ang binbasehan ng mga tao ay ang estado ng buhay, kung mayaman o mahirap lamang.
At mas grabe pa nga sa ngayon ang kaipokritahan ng maraming tao. Ngayon kasi, kahit isa ka nang professional ay hindi ka pa rin nakatitiyak ng isang disente at maayos na trabaho. Makahanap ka man ng trabaho, di ka nakatitiyak na sapat na iyon para maging tama rin ang trato sayo ng ibang tao.
Kapag nakapagtapos ng kolehiyo, marami ng mga mata ang nakaantabay sa bawat galaw mo. Marami kang maririnig na pambabatikos mula sa ibang tao kumpara sa sarili mong magulang.
Kapag pinili mo namang mag-iba ng landas o mag-resign para makahanap ng mas maayos na oportunidad, may ilan pa ring mga tao ang hindi maiwasang magtanong kung bakit hindi ka nagtagal sa huling trabaho mo.
May mga nagmamasid na tila naghihintay ng pagbagsak mo. Ang pananaw ng lipunan ay tila may mga pamantayan na hindi makatao – tila obligasyon mo na magpaliwanag sa kanila ng bawat desisyon mo, anuman ang pinagdaraanan mo sa personal mong buhay.
Natigil ang pag-iisip n'ya ng magsalitang muli si Kurt.
"Kung may tsansa ka, baka matukso ka pa ring mag- DH sa Hong Kong, o mag-OCW sa Saudi Arabia.?
"I don't have plans. Natubos ko na rin naman ang sakahan ni Tatay."
"Tell me now... mahal mo rin ba ako?" Humihingal sila pareho nang itanong iyon ng binata sa kan'ya.
Nababalot sila ng dilim sa loob ng kamalig. Habang malakas pa rin nag ihip ng hangin sa labas. Malakas rin ang bawat paghampas ng mga alon sa dalampasigan.
"Teeny.." mahinang tawag nito sa pangalan n'ya.
"I don't know."
"Ayoko ng ganyang sagot. Gusto ko 'yong seryosong sagot.." Hinawakan nito ang baba niya at iniharap sa rito. "Sagutin mo ko. Mahal mo rin ako, di ba?"
"Hinalikan mo na nga ako... nagtatanong kapa," nakangusong sabi n'ya. Nagtatawang niyakap siya ni Kurt..
Umiyak naman s'ya sa dibdib nito. "Teeny, "I have finally found the woman I want to be with and love for the rest of my life."
"Aasa ako, Kurt."
"Huwag kang umasa lang. Believe in me, Teeny. Trust me. Hindi kita sasaktan."
"Ewan ko kung bakit natatakot akong maniwala nang todo sa 'yo."
"Para namang di mo pa ako kilala, Teeny."
"Sorry. Nagkakilala tayo pero hindi naman nagkalapit ang ating loob kahit kelan."
"Forget that. From now on, I will treat you like a princess." sabay dampi ng halik sa noo n'ya.
"Kurt...."
"Hmm?"
"Umuwi na tayo. Wala nang ulan," sambit ni
"Talaga."
*****
LAMPAS ALAS-OTSO na nang dumaong ang speed boat ni Kurt sa tapat ng beachhouse ng mga ito sa Imperial.
Matapos maipagarahe ang speedboat sa isang katiwalang nakatira sa isa pang bahay na gawa sa sawali na katabi ng beachhouse, pumasok sila sa bahay para maghapunan,
Isang pinsang-buo ni Kurt ang nagbabantay sa beachhouse, si Eden, isang elementary school teacher. Kasama nito ang isang pamangking babae, nasa elementary pa, at isang labandera, si Aling Yayaw.
Tamang-tama lang ang pagdating nila sa beachhouse. Di pa naghahapunan ang mga nakatira, at sabay-sabay na sila nang kumain.
"Saan kayo nagpalipas ng unos, Teeny?" tanong ni Eden habang naghahapunan ng pritong manok, sinigang na may dahon ng sampalok at ginataang alimango. "Sa bahay nina Mang Filipe," aniya. "Yong makalampas lang ng bukana."
"Nasa inyo sina Mang Filipe, Kurt," sabi ng labanderang si Aling Yayaw. "E, di..... walang tao roon sa bahay n'ya?"
"Wala ho. Nakabukas ang pinto kaya pumasok na ho kami," ani Kurt.
"Eh, pa'no kayo nakapasok ni Teeny? Mababa lang naman ang silong niyon. H'wag ninyong sabihing sa silong kayo nagpalipas ng ulan."
"Opo, Aling Yayaw," ani Kurt. "Pero sa tingin ko e nabasa rin kayo," ani Eden. "Ngayon ko lang napansin 'yang suot mo, Teeny. Magpalit ka kaya? Pahihiramin kita ng isang bestida ko."
"Huwag na ho," aniya. "Sa bahay na lang."
"Di ba mag-aalala ang Tatay mo sa 'yo?" tanong ni Aling Yayaw. "Alas-nuwebe ka na makauuwi n'yan."
"Bakit naman ho mag-aalala 'yon e kasama naman niya si Kurt," ani Eden.
“E, kilala mo na naman ang matanda, Eden,” sabi ni Aling Yayaw.
"Mag-aalala lang ho 'yon habang di pa ako nakakauwi, Aling Yayaw," sabi ni Teeny.
"Sa Linggo, pupunta kami ni Teeny dito, Ate Edeng," wika ni Kurt.
"Magsu-swimming kayo?"
"Pwede naman ho."
"Sige, magluluto ako ng spaghetti."
"Kurt, baka di ako puwede sa Linggo," aniya.
"Bakit?"
"Nakapangako ako kina Edgar na sasama ako sa kanilang magpiknik sa ilog sa Pili. Sa amin ka na lang sumama."
"Na-miss ka nila, ano?" ani Kurt. "Kasi, ang tagal mo ring di nakauwi."
"Sa `min ka na lang sumama sa Linggo."
"Okay."
Tumingin siya kay Eden. "Sumama ka na rin. Damihan mo'ng spaghetti."
"Okay," ani Eden. "Sige... magpiknik tayo."
"Ate Edeng," ani Kurt na inakbayan sya nito, "sa `yo ko unang ipaaalam... nobya ko na si Teeny."
"Totoo?" gulat na sabi ni Eden."Teeny?"
Nagba-blush siyang tumango.
Nang magpiknik sila sa magandang ilog na nasa itaas ng bundok sa timog ng Imperial halos ang lahat ng kabinataan at kadalagahan sa Sta. Dolores ay kasama.
Nagtaka ang mga ito dahil kasama niya si Maymay at si Kurt, gayundin ang pinsan nitong si Eden.
Mula sa Sta. Dolores, nagtungo sila sa paanan ng Bundok Malaya. Sakay ng dalawang malalaking jeepney ang mga binata at dalaga. Sila ni Maymay, Eden at Kury ay sa kotse ng binata sumakay.
Nang marating na nila ang picnic site, isang bahagi ng ilog na maraming malalaking bato, may tila lagoon na ang lalim ay lampas-tao, naggrupu-grupo na sila.
"Kina Chichay na ako gugrupo, Teeny," malungkot na sabi ni Edgar sa kanya nang magkaroon sila ng tsansang makapag-usap sandali.
Ngumiti siya saka tumango. "Sige, Ed."
Naglatag si Kurt ng plastic mat sa makipot na dalampasigan ng ilog. Ang buhangin ay malalaki, parang bigas na pagkaiitim.
"Ten, bigyan mo na sila ng spaghetti," sabi ni Eden nang inaayos na nito ang kanilang baon. "Heto nakahiwalay na ang sa kanila. Paghati-hatian na lang nila kamo."
Tumango siya. "Halika, Maymay," baling niya sa kapatid.
"No," pigil ni Kurt na tumayo mula sa pagkakaupo sa isang malaking batong mababa. "Tayong dalawa na lang magdala ng spaghetti sa kanila,."
"Sige. Halika..."
Binuhat ni Kurt ang malaking lunchbox na lalagyan ng spaghetti. At hinawakan sya nito sa kanang kamay.
"Let's go!' yaya nito sa kanya.
Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa pinakamalaking grupo ng mga nag pi-piicnic. Para na ring sinabi ni Kurt sa lahat na sila'y may relasyon na nito.
"Maraming nilutong spaghetti si Eden," aniya sa grupong nasa mabuhanging pampang ng ilog na nalalatagan ng anino ng mga puno. "Heto... para sa inyo `to."
"Okey 'yan," palatak ng isang binata, si Doming na isang karpintero. "Paborito namin ni Oka ang spaghetti."
"Oo nga," sabi ng tinawag na Oka. "Lalo na kung lutong-bahay."
"Lutong-bahay 'yan," sabi ni Kurt.. "Si Ate Edeng mismo ang nagluto."
Kinawayan ng isang dalaga ang iba pang grupo ng mga nagpipiknik na kaagad namang nagsilapit.
Napansin nya na tanging si Edgar lang ang di tumayo. Nanatili itong nakaupo sa isang bato, malungkot na nakatingin sa malayo.
"O, sige..." wika ng binata na nakahawak pa rin sa isang palad n'ya. "Kayo na ang bahala riyan. Doon kami sa malapit sa lagoon."
"Hoy!."
Ang tumawag ay si Myra, isa sa mga kapitbahay nina Teeny at dati ring kaklase niya sa high school. Kasama ito sa tatlo pang kadalagahan. May hawak itong camera.
"O, bakit, My?"
"Kukunan ko kayo ni Kurt."
"Sige nga," ani Kurt na binitiwan ang kamay ni Teeny. Pero iniakbay nito ang isang braso sa kanya.
"My, Gandahan mo ang kuha, ha?"
"Sure. O, ready... smile one, two..."
Klik!
"Bagay na bagay!" malakas na sabi ni Doming. "Parang sina Dawn Zulueta at Richard Gomez! Isa pa!"
Nagtawanan ang lahat ng malapit sa pwesto nila.
Nag-blush sya. Lalo na nang higpitan pa ni Kurt ang pagkakaakbay sa kanya. Isang dalaga ang lumapit sa kanila. Ipinakawit nito ang isang braso niya sa beywang ni Kurt.
"Ganyan ang posing," saad nito. "Para di na mapagdudahan pang magsiyota na kayo. Yan.. kitang-kita na ang ebidensiya."
Tawanan. Pati si Kurt ay saglit na nawala ang 'poise' sa pagtawa.
Muli silang kinunan ni Myra ng isa pang shot. Pagkuwa'y humalo na sila sa grupo.
Nang matanaw ng iba pa nilang mga kasama na nagpi-picture-taking sila, nagsilapit na rin ang mga ito.
"Let's go!," sabi ni Kury nang mabuwag ang malaking grupo sa pangkat-pangkat na nagpapakuha ng litrato.
"May dala rin tayong camera para magvideo."
"Ilan ang tape?"
"Marami."
"Kunan natin sila."
"Pati tayo. Si Ate Eden ang kukuha."
Magkahawak-kamay silang nakalapit na pati si Maymay na nakikinig ng musika sa stereo cassette.
"Ang daya n'yo," sabi ni Eden. "Kayo lang ang nagpa-picture. Kami, hindi." "E bakit di kayo pumunta roon?" ani Kurt.
Inginuso ni Eden ang isang patpating aso sa di kalayuan, sa itaas ng pampang. "Baka kainin n'ong aso itong baon natin, e," wika nito.
"Dinala mo ba'ng camera mo, Ate?" tanong ni Maymay.
"Hindi," aniya. "Pero me dalang video si Kurt. Yon na lang ang gamitin natin. Tinuruan na kitang gumamit ng video camera, di ba?"
""Asan, Kurt?" excited na tanong ni Maymay. "Sige kukunan ko kayo."
"Kuya na ang itawag mo sa akin, May" ani Kurt. "Mula ngayon... kuya mo na ako."
"Totoo?"
"Oo."
Tumingin sa kanya si Maymay "Ate...?"
Pigil ang ngiti sa sulok ng bibig na tumango siya sa kapatid.
"Nobyo ko na siya, May," aniya.
Maluwang ang ngiting humarap ang dalagita kay Kurt. "Ang bilis mo naman, Kurt."
"Kuya," sambit nito. "Kuya na ang itawag sa akin."
"Okay, sige."
"Di naman yata ako okay sa 'yo, e."
Tumingin uli sa kanya si Maymay. "Hindi raw siya okay sa akin e tulad nga niya ang gusto kong maging
boyfriend din."
Napatawa si Kurt.. "Thank you for that, May."
Kinuha na ni Kurt ang video camera, ibinigay kay Maymay at tuwang-tuwa na ginamit iyon ni Maymay para makunan ang lahat ng kasama sa pagpipiknik.
Nang maligo na sila, nag-one-piece bathing suit siya, isang kulay asul na two-piece.
Panay ang hagod ng tingin sa kanya ni Kurt at maging ng mga binatang halos lahat ay kanayon nila sa Sta. Dolores. Iba nga lang ang kay Kurt dahil malagkit at may paghanga ang tingin nito sa kanya.
Alam ni Teeny na siya ang pinakamaganda at pinakaseksi sa lahat ng kadalagahang nasa ilog na iyon. At hindi na nga siguro nagtataka ang mga kanayon niya kung bakit isang tulad ni Kurt ang nakakuha ng puso n'ya.