Naglalakad s'ya sa pasilyo mula sa azotea, pabalik na sa terrace kung saan naroroon sina Kurt. Bigla s'yang sinalubong ni Eden.
"Saan ka ba nanggaling?" usisa nito.
"Nag-usap lang kami sandali n'ong si Mona," aniya.
"Eh, bakit ba kinausap ka ng malanding alalay ni Mayette?" Medyo umismid pa si Eden. "Halika nga hayaan mong tayo naman ang ma-miss ng grupo nila."
Napasunod na lang s'ya kay Eden nang hawakan siya nito sa isang palad at humakbang sila pabalik. Lumiko sila sa isang pasilyo.
Pumasok sila sa guest room.Sobrang lawak at napakaganda ng silid na iyon. Kahit siya ay humahanga talaga sa mga Vegara.
Imbes na maupo ay lumapit sila sa bintana at dumungaw roon. Pinagmasadan nila ang nasa hardin mula sa taas. Sina Mr. Victor na abalang nakikipag-usap sa mga special na bisita.
Batid niyang nasa mesa lang ng mga "karaniwang panauhin ang kanyang mga magulang, kahit ang mga kasama ng kanyang magulang ay kamag-anak rin ng mga Vergara.
"Umiinom pa rin si Kurt?" naitanong niya kay Eden..
"Oo. Pero pakonti-konti lang. Nakikisosyal lang yon sa mga dating kabarkada," sagot nito.
"Napahiya siguro kanina si Kurt."
"Bakit?"
“Kasi ni-reveal pa ni Mona na dati ay domestic helper lang ako sa Hong Kong."
"So what? Professional ka naman at bank employee na."
"Ate Edeng..."
"Well."
"Kung may chance bang mag-DH ka sa Hong Kong, magdi-DH ka rin doon?"
Isang malakas at matinis na halakhak ang biglang kumawala kay Eden.
"Palabiro ka talaga, Teeny. Bakit naman pagdi-DH lang ang sinasabi mo sa akin? Alam mo bang ano mang oras ay puwede akong magturo sa Canada or Australia? At mas malaki ang suweldo doon kumpara rito pero ayoko. Mas kailangan ng mga kababayan natin dito sa probinsya ang wastong edukasyon. Saka hindi naman kami poor, 'no? Ang mga Vergara, hindi nag-a-abroad para magtrabaho. Mag-tour siguro, puwede pa."
Matagal s'yang natameme.
Napatungo s'ya at naisip na para hindi talaga s'ya para kay Kurt. Isang tulad ni Mayette, maganda at edukada, anak ng gobernador ng kanilang lalawigan, ang mas nababagay kay Kurt Vergara.
Nahalata siguro ni Eden ang biglang pananahimik niya.
Inakbayan siya nito at pinisil sa dulo ng isang balikat. "Teen, I'm sorry. Hindi ko minamaliit ang pagdi-DH. Sa totoo lang, kung walang mga domestic helper, mise- rable ang buhay ng mga may-kaya. Kaya nga lang ay may kanya-kanya tayong papel na ginagampanan sa mundo. Itong kalagayan ko ay masasabing minana ko lang. Maski di ako nakapagtapos ng kolehiyo, mabubuhay na ako nang maayos. Which is nothing, di ba? Samantalang ikaw you deserve na makaahon sa kahirapan. Kasi, may gusto ka. At hindi ka basta yumuyuko kanino man. Tulad na lang nang tanggihan mo si Kurt na ibenta yong solar sa likod ng bungalow niya. That's nothing. Konting lupa. Pero inilaban mo. And he liked your attitude."
"Bakit alam mo ang tungkol doon?" Namamanghang tanong niya kay Eden.
"Sa lahat ng magpipinsan, kami ni Kurt ang pinaka- close sa isa't isa. Kapag me problema nga 'yon ay sa akin s'ya unang lumalapit."
"Totoo?"
"Oo.."
"Alam mo sigurong me usapan na raw sina Governor at ang daddy ni Kurt tungkol sa kanila nina Mayette."
"Sinong me sabi?"
"Si Mona."
Saglit na natigilan si Eden. Napatanaw ito sa malayo, sa labas pa ng malawak na bakuran ng mga Vergara. Napansin niya na lumatay sa anyo nito ang pag-aalala.
"Ayoko kay Mayette," sabi nitong parang di siya ang kinakausap. "Kasi, alam kong di liligaya sa babaeng yon ang pinsan ko. Ayoko sa ipokritang 'yon."
"Pero naipagkasundo na si Kurt ng iyong Tito Vic ke Governor, Ate Eden?"kinakabahan na tanong niya.
"Baka nga me usapan na sina Governor at Tito Victor."
"Problema nga iyon ni Kurt, " saad ni Eden na bumuntong-hininga pagkatapos ay yumuko. Parang may tinisod ito sa carpet na berde.
"Noong una nga ay pumayag na rin si Kurt na makataluyan niya si Mayette. Pero nung magkasabay kayo ni Kurt noon sa barako, ay biglang nagbago bigla ang desisyon niya. I think, kararating mo lang n'on from Hong Kong."
"Si Kurt ba ang nagsabi niyan sa 'yo?"
"Oo."
"At ano'ng reaction mo?"
"Okay agad ako. Kasi, siya na mismo ang nagsabi. Na itinadhana talaga siguro kayo para sa isa't-isa."
"Salamat."
"Yes, I'm on your side. Taga-Imperial ka `ata. At okay naman ang pamilya n'yo. Kaya nga lang.. baka nga me problema pa tayo. Hindi ako sigurado kung nakumbinsi na ni Kurt si Tito na ikaw ang gustong pakasalan n'ya.."
Napakurap-kurap sya sa mga narinig.
"Ang sabi n'ya sa akin last week, mamamanhikan na raw sila sa amin," aniya na parang pinalalakas ang sariling loob. "Di naman siguro mangangahas si Kurt na magsabi sa 'kin ng gano'n k-kung—"
"Ang sinabi niya sa 'yo ay ang bagay na gusto niyang mangyari," putol ni Eden sa pagsasalita niya, at pagkatapos ay humarap pa sa kanya. "Yon ang gusto niyang gawin."
Muli, napakurap-kurap siya. "So...?"
"That's okay," ani Eden na ngumiting parang ang kausap ay isang inosenteng bata.
"Paano kung hindi naman ganoon ang gustong mangyari ng kanyang ama?"
"Pero, Ate Eden—"
"Teen, ang desisyon ng mga Placido ay kailangang manggaling pa rin sa ama ni Kurt—kay Tito Vic. Kung nakapagbitiw na ng salita kay Gobernador si Uncle Vic, kahit ipangako pa sa 'yo ni Kurt ang buhay niya, ang masusunod pa rin ay ang desisyon ng kanyang ama."
Kinabahan na s'ya. Tuksong bumalik sa kanyang pandinig ang painsultong sabi ni Mona kani- kanina. Na hindi raw siya ang pakakasalan ng Kuya Kurt nito.
Si Mayette, ang anak ng gobernador ng kanilang lalawigan, ang nakatakdang mapangasawa ng kanyang nobyo. Ito ay tila isinampal sa kanya ng realidad.l. Napatungo siya.
At inakbayan siya ni Eden.. "Huwag kang mag- alala," ang halos pabulong nitong sabi. "Ipapanalangin kong mapabago ni Kurt ang isip ng kanyang daddy."
"Salamat, Ate Eden," mahina rin niyang tugon.
Mayamaya ay natanaw nila sa bintana ang mga kalalakihang nagkakatipon sa isang mahabang mesa sa isang bahagi ng bakuran ay isa-isa nang nagsisitayo.
Sa pangunguna ni Mr. Victor Vergara napansin niya na pabalik na sa loob ng malaking bahay ang kalalakihan.
"Let's go," ani Eden. "Ngayon pa lang talaga mag- uumpisa ang party. Ballroom dancing na ang kasunod."
Paglabas nila sa guest room, nakasalubong nila sa pasilyo si Kurt.. Hula niya na di ito nakainom ngayon. Napalitan na nito ang suot kanina. Ngayo'y naka-gray pants ito at pinkish peach long-sleeved shirt.
"Sober ka na?" tanong dito ni Eden.
"Nakapag-shower na 'ko," sabi nito sa kanya nakatingin. "Sweetheart, pasensiya ka na kanina, ha? Di kita naharap nang husto. Kasi—"
"It's fine," aniyang ngumiti at tumitig sa guwapong mukha ng binata. "Kausap ko naman lagi si Ate Eden."
Ngumiti si Kurt sa pinsan. "Thanks, Ate Eden."
"You're welcome," ani Eden.
Humakbang na palayo sa kanila. "Mauuna na 'ko sa inyong dalawa. Mag-uumpisa na ang sayawan sa ibaba."
Kaagad nawala sa paningin nila si Eden nang lumiko sa dulo ng pasilyo. Naramdaman nya ang paghawak ni Kurt sa kaliwa n'yang palad.
Pinisil nito iyon.
"Ano'ng sinabi sa yo ni Mona?" tanong nitong parang nag-aalala. "Teeny?"
"Marami."
"Tulad ng ano?"
"Kurt—"
Natigil siya sa pagsasalita nang humarap sa kanya ang binata at yakapin siya nito, kasunod ang pagsiil ng halik sa kanyang mga labi.
Yumakap din siya nang mahigpit sa nobyo at tinugon ang mainit nitong halik na para bang iyon na ang huling paglalapat ng kanilang mga labi.
Nag-init ang kanyang mga mata. At nang muling magkahiwalay ang kanilang mga labi sa paulit-ulit na paghahalikan, napasubsob siya sa dibdib ng binata. Isang mahinang hikbi ang kumawala sa kanya.
"Why Teeny? What's the matter?"masuyo siyang hinaplos ni Kurt sa isang braso at dinampian ng halik ang kanyang buhok.
"I'm so afraid....." humihikbing saad n'ya.
"Of what?" tanong ng binata.
"Baka di totoo itong relasyon natin."
"Bakit ka nag-aalinlangan?"
"Sabi nila Mona pati ni Edgar... kaya mo lang daw ako niligawan e dahil sa kapirasong lupa na gusto mong makuha sa sakahan namin. Pero, Kurt hindi ako naniniwala. Alam ko, mahal mo ko. At kung di mo ko mahal. okay lang. Di lang 'yong kapirasong lupang iyon ang ibibigay ko sa 'yo. Lahat-lahat kahit pa halimbawang di mo ko tunay na mahal."
"s**t," mahinang sabi ni Kurt na alangang magalit at matawa. "I just joked about it. Biniro ko lang si Mayette na kaya kita nililigawan e dahil gusto kong madagdagan ang backyard ko. It was just a joke."
Napahikbi pa rin siya. "Talaga?"
"Yah," parang inis pang sabi ni Kurt "Ano ba naman, ako, bata? At saka - ang yaman-yaman namin, `oy!" At natawa na ito sa pagyayabang. "Sorry, nagiging mayabang na 'ko. Pero sweetheart kung liligawan lang kita, paiibigin at pakakasalan pa kita dahil lang sa—"
Napahagikhik na siya. Ngayon lang niya nakita ang sarili na para ngang katawa-tawa pala. "I'm sorry," aniyang kahit tumatawa ay luhaan pa rin.
"Para nga akong gaga na naniniwala sa intriga, `no?"
"Halika na nga," ani Kurt na nagtatawa pa ring hinawakan uli siya sa kaliwang palad at humakbang na para makababa na rin sila. "Ngayon ka pa ba mag- iisip ng kung anu-anong nonsense? Mamamanhikan na nga kami sa inyo next week, ano ka ba?"
Naiiyak na napapahagikhik na napasunod na lang siya sa nobyo.