Chapter 15 Kunot-noo akong tumitingin sa mga taong dumadaan sa harapan ko. Minsan ay nasasagi nila ang mga kasalubong nila at parang wala lang sakanila iyon. Hindi man lang sila hihingi ng paumanhin! Well, who am I to judge? Baka dahil sa sobrang dami ng tao ngayon sa Teen's Park ay hindi na nila alintana kung may masagi sila na kung sino. Dalawang beses pa lang ako nagawi dito sa lugar na ito dahil laging madaming pumapasyal dito at hindi ko kaya ang nakakahilong eksena. May isang buong pamilya na nagpi-picnic, may mga batang naglalaro, may mag-asawang nag-aaway sa harapan ng maraming tao at hinding-hindi mawawala ang mag-syotang nagme-make out katulad ng mag-syota na naka-upo sa ilalim ng puno habang naghahalikan ngayon! Get a room, guys. "Jill, water," binaling ko ang paningin ko k