Chapter 22 Pabuntong-buntong hininga akong nakahalumbaba sa mesa habang nakatingin sa librong nasa harapan ko. Hindi ko alam kung inaantok ba ako sa mga oras na ito o tinatamad lang na mag-aral. Wala kasing pumapasok sa utak ko at parang lumulutang ang isip ko ngayon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng buong library saka muling bumuntong hininga. Dito namin naisipang magpalipas ng oras dahil hindi pumasok 'yung isa naming professor. At siguro kaya ako nagkaka-ganito dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil kay Grace. Naaawa talaga ako sakanya sa mga nalaman ko. Hindi ko na din siya nakita kaninang umaga nung magising ako. Pati na din si Ari. "Hoy, Jillian! Isang oras mo na yatang binabasa ang page na 'yan!" pabulong na sita sa akin ni Miriam. Ngitian ko lang siya ng tipid.