Chapter 21 Naiinip na ako sa takbo ng usapan at hindi na talaga ako mapakali sa inuupuan ko kahit na nililibang ko ang sarili ko sa pag-kain. Nangangati ng maglakad paalis ang mga paa ko, ngunit bakit hindi ko magawang tumayo at mag-paalam? Kainis! Hindi ko planong magtagal ng ilang oras dito! Ugh! Naiinis na ako! Medyo nag-a-alisan na din yung mga ibang bisita at sa tuwing nagpa-paalam sila ay pinipilit kong palakasin ang loob ko na mag-paalam na din, ngunit hindi ko naman magawa dahil ang daming kinu-kwento ng mommy ni Ari. Nagbilang ako ng lima sa isip ko para kumuha ng lakas ng loob na mag-paalam. Kung hindi ko pa ito gagawin ngayon, mamaya pa ako makaka-alis dito. Gusto ko man hingan ng tulong si Ari pero busy naman siya sa pakikipag-usap kay Grace kaya alam kong hindi siya maaasah