Chapter 10

1670 Words
PABALIK-balik siya ng kanyang lakad, nasa loob siya ng mga sandaling iyon ng kanilang locker room sa kumpanyang tinatrabahuhan niya. "Ay palakang hindi maka-eri!" gulat na bulalas niya nang may humampas sa kanyang pwet. "Hahahaha, magugulatin ka pala, Miara? Epic ang reaction mo 'e," natatawang giit ng baliw niyang kaibigan na si Erin. Napailing na lamang siya at hindi pinansin ang kaibigan may mas malaki pa siyang pinoproblema rito. "Ano ba kasi ang trip mo't kanina ka pabalik-balik ng lakad at para bang kakatayin ka dahil hindi ka mapakali at namumutla ka pa," giit ni Erin at nameywang pa sa kanyang harapan. "Hala! Huwag mong sabihing may nangyari na hindi ko alam?" taas ang kilay na tanong ni Erin sa kanya. Mabilis siyang umiling. "W-Wala kuni-kuni mo lang iyan, mauuna na ako," pagsisinungaling niya at dali-dali kinuha ang mga cleaning tools na kakailanganin niya. Ayaw niyang tumagal pa roon kasama si Erin baka hindi niya mapigilan ang bibig at masabi niya dito ang nangyari. Sa tapat ng pinto ng opisina ng kanyang boss, pabalik-balik ng lakad si Miara na animo’y palakang hindi maka-eri. Kagat-kagat din ng dalaga ang kanyang daliri, maya-maya pa’y huminga siya ng malalim, kinuha ang mga kakailanganin niyang panglinis at iniangat ang kanyang kaliwang kamay para kumatok. Ewan ba niya at ngayon may ganito pa siyang drama ‘e dati-dati naman ‘e wala nang ganito pero kasi iba ngayon ‘e. Bumuntonghininga siya ulit at dahil parang hindi niya kayang ilapat ang mga kamay sa pinto para kumatok. “Ano ka ba, Miara! Masyado ka nagpapa-apekto sa walang kabuluhang bagay na iyon. Umayos ka’t mag-umpisa nang magtrabaho para maaga ka makakauwi,” sermon niya sa kanyang sarili. Huminga siya ng malalim at inangat ang kamay para kumatok pero hindi na naman niya ituloy. “Teka, bakit parang ang tahimik ata?” bigla niyang naitanong sa sarili. “Baka wala sa loob si sir,” mahinang aniya. Sa isipang iyon ay bahagya siyang kumalma at iniangat niya ang kanyang kamay upang kumatok pero napa-atras siya ng kusang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang morenong lalaki, malaki ang katawan nito. Nagkatitingan silang dalawa, gwapo ang lalaki, bagay na bagay rito ang description na, tall, dark and handsome na madalas niyang nababasa sa mga pocketbook. Napakurap-kurap siya nang may tumikhim mula sa likuran nila nang silipin niya kung sino iyon ay bahagya siyang napakagat ng kanyang ibabang labi ng makita niya ang kanyang boss na seryosong nakatingin sa kanila ng estranghero, nakakunot ang noo nito. Bahagyang magulo ang buhok at nakabukas ang ilang butones ng polo nito, malawak din ang necktie. Napaiwas siya ng tingin nang salubungin ng kanyang boss ang kanyang titig. Bahagya pa siyang napa-atras at napalunok nang bigla na lamang niyang naramdaman nanunuyo ang kanyang lalamunan. At tila ba’y umiinit ang kanyang pakiramdam sa uri ng titig ng kanyang ama. “Aherm! So, pano, bro, mauna na ako,” biglang basag ng estranghero sa katahimikan. “Sure, thank you, bro,” sagot naman ng kanyang boss at sumandal ito sa swivel chair at bahagyang hinilot ang noo. Habang siya ay tuluyan nang pumasok at maingat na nilagay niya sa may gilid ang mga cleaning tools na kanyang dala. Nang akmang magwawalis na siya ay…. "You don't need to do that, Miara." Napatigil siya at napalingon sa gawi ng lalaki. "It's still clean, so you don't need to clean it again," he added while looking at her. Mapungay ang mga mata nito. Buntonghininga naman siya at nameywang sabay kuha ng tela na gagamitin niyang pang-alis ng alikabok. "Stop cleaning, come here," biglang sabi na naman ng lalaki. Kumunot ang kanyang noo. "Bakit, sir?" Hindi niya maiwasang isantinig. Ano ba ang problema nito at ayaw siya nitong maglinis? Ano pa ang silbi na pumunta siya rito kung hindi din lang naman pala siya maglilinis 'e iyon ang kanyang tungkulin. "Just came here please," pakiusap ng lalaki na labis niyang ikinabigla. Napatitig siya tuloy dito. Ano kaya ang nakain nito at parang may kakaiba sa kilos ng lalaki. Huminga siya ng malalim at ibinalik ang tela na pamunas at lumakad siya papunta sa direksyon ng lalaki. Tumigil siya sa harap ng mesa nito at napayuko. Ayaw niya makipagtitingan dito baka kasi maalala niya lang ang nangyari kahapon. "Can you make me a cup of coffee?" Napa-angat siya ng tingin. Ano daw? Gagawin niya ito ng kape? Aba! Bakit? Hindi naman kasama iyon sa trabaho niya 'a. "Sir, huwag mo po sanang masamain may itatanong po sana ako," lakas loob na giit niya. "What is it?" seryosong tanong nito habang nakatungkod ang siko sa ibabaw ng mesaa nito. Napakagat siya ng kanyang ibabang labi. "Ahm…napansin ko kasi parang wala ako nakitang secretary ninyo–" "Why? Are you interested in applying?" Nanlaki ang mga mata niya. "Po? Hindi naman po sa ganun nagtaka lang ako," mabilis na rason niya. "Alright but l can fire him then, l take you instead–" "Ay naku, huwag, sir. Nagtanong lang talaga ako," giit niya at nilaro-laruan ang kanyang kamay. "Okay but it's not so bad to be my secretary. I pay good," seryosong giit nito at tinitingan siya ng direkta sa kanyang mga mata. Ngiti lang ang kanyang sinagot. "Anong kape po gusto mo, sir?" Sa wakas ay naitanong niya. "Black coffee with milk," he replied. Napatango siya. "With bread, sir?" "No need," he replied immediately. "Alright." Tumango-tango pa siya at dahan-dahang tumalikod na. "You can join me if you want. Make your coffee also," the man says to her. "Ay, huwag na, sir. Kayo na lang po ang ipagtitimpla ko," kaagaran niyang tangi. Ayaw niyang magkalapit na naman sila. She should not let him do whatever he wants from her. Iba siya sa mga babaeng nakakaaluyaw nito. Huminga siya ng malalim at inumpisahan na ang pagtitimpla ng kape ng lalaki, napatigil siya sa paghalo nang maramdaman niyang may tao sa kanyang likuran pagkaharap niya’y nanlaki ang mga mata niya at muntik na niyang mabitiwan ang kape ng bigla na lamang lumitaw ang lalaki sa kanyang harapan. “Careful,” malumanay na sabi nito at kinuha ang kape na hawak niya. Napalunok siya ng kanyang laway. “This is too near,” her mind reminded her. “Do you hate me, Miara?” Napa-angat siya ng tingin sa naging tanong ng lalaki. “Po?” gulat na bulalas niya. Bumuntonghininga ang lalaki at lumayo sa kanya, walang imik din itong tumalikod para maglakad pabalik sa may mesa nito habang siya ay pasimpleng kinapa ang kanyang dibdib. “You may go now, thank you for the coffee,” giit ng lalaki na ikinagulat niya. Hindi niya tuloy maiwasang mapatitig sa gawi nito. Nakaupo na ito muli at ang mga mata ay nakatitig sa kapeng gawa niya. Pakiramdam niya talaga parang may mali pero wala naman siya sa lugar para magtanong kung ano iyon kaya’t mas pinili niya lamang tumahimik. “Sige po, maraming salamat, sir,” mahinang aniya at tumalikod na. Bawat hakbang na ginawa niya ay parang pabigat ng pabigat hindi niya mawari kung bakit pero parang may pumipigil sa kanyang iwan ang kanyang babaerong boss. Nang makarating na siya sa may tapat ng pinto ay bahagya niya nilingon ang lalaki, nagkatitingan sila. Nakatingin din pala ito sa gawi niya habang ang mga kamay ay nasa mesa. Seryoso ang mukha nito na tila ba hindi mo pwede biruin. “Go home now before, l’ll change my mind and keep you here with me.” Kumibot ang kanyang mga labi sa narinig. Hindi niya lang kasi inaasahan na manggagaling iyon sa lalaki. “I’m serious, Miara, go home and rest,” he added. Bumuntonghininga siya saka tumango at tumalikod na. “Would you be so kind as to bake me a couple of cupcakes and bring them here tomorrow? Don't worry, l will pay for it,” the man said suddenly, which made her stop moving. Gulat man ay tumango siya. Ayaw na rin naman niyang pahabain pa ang pag-stay niya sa loob ng opisina ng lalaki at baka’y totohanin nito ang banta. *** SUMUNOD na araw, iniwas ni Miara ang box na bitbit mula sa kanyang kaibigan na si Erin. “Heto naman ang damot, pahingi ako niyang cupcakes mo, miss na miss ko na iyan ‘e,” humahaba ang ngusong giit ni Erin. Umiling siya. “Hindi nga pwede,” aniya. Nameywang ang kaibigan. “At bakit naman? Dati naman ‘e hindi ka ganyan ‘a.” “Dati iyon, ‘e ibibigay ko ito kay sir–” “OH MY GOD!! DON’T TELL ME NAGLILIGAW KA KAY SIR??” malakas na bulalas ni Erin. Napapikit siya ng mariin dahil sa boses ng kaibigan. “Ano ka ba, Erin. Iyong bibig mo, hinaan mo nga boses mo at baka kung ano isipin ng iba kapag narinig ka–” “So, totoo? Pumapag-ibig ka na ba?” Gamit ang isang kamay ay binatukan niya ang kaibigan. “Aray ko naman,” daing ng babae. “Loka ka talaga! Hindi ganun iyon,” giit niya. “Eh ano? Bakit mo siya bibigyan?” taas kilay na tanong ng kaibigan niyang baliw. Bumuntonghinga siya. “Dahil ni-request niya na lutuan ko siya–” “Aba ganun na kayo ngayon ka close? Kailan pa? Bakit alam niyang nagluluto ka ng cupcakes?” Nakataas kilay ni Erin sa kanya. Napairap siya. “Pwede ba, Erin. Tumabi ka na diyan at para makaalis na ako. Mamaya na ako magpaliwanang sa iyo, okay? Trabaho muna bago mag-marites.” “Asus, palusot ka lang ‘e. Basta bestfriend, huwag na huwag ka magkakamaling magkagusto dun at lalo na ma-inlove, langit iyon lupa ka. Hindi kayo pwedeng dalawa dahil magkaiba kayo ng mundo.” “Alam mo, nagiging delulu ka na, sa kakanood mo iyan ng k-dramas ‘e,” masungit na giit niya. Natawa lang loka. Bumuntonghininga naman siya at nag-umpisang maglakad patungo sa opisina ng lalaki. “Sana’y magustuhan niya itong cupcakes ko,” mahinang aniya bago kumatok sa pinto ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD