Chapter 1
NAPA-ANGAT ang mukha ni Miara sa pagkayuko nang siniko siya ng kaibigan niyang si Erin.
"Bakit?" walang buhay na tanong niya.
Gumiwi ito. "Hayy, para kang nalantang gulay diyan, ano ba kasi pinag gagawa mo at parang pagod na pagod ka?" magkasalubong ang kilay na tanong nito sa kanya.
Bumuntonghininga siya. Paano ba kasi, malapit na ang finals nila, kaya tambak na ang mga projects, outputs at kaliwa't-kanan rin ang quizzes at exam kaya heto siya ubos na ubos ang lakas pero hindi siya pwede mag-absent sa trabaho niya bilang janitress sa isang malaking company. Ang sweldo pa naman niya ang pamgamit niyang allowance at bayad sa tuition fee niya. Napabalik siya sa katawang lupa niya ng niyugyog siya ni Erin.
"Miara! Miara! Jusko ginoo! Ano nangyari sa iyo? Bakit tulala ka riyan?" natarantang bulalas nito.
Bago pa man siya makasagot na okay lang siya 'e binitiwan na siya ng bruha kaya't muntik na siya matumba buti na lang nakasandal siya sa pader.
"Naku! Naku! Baka sinapian ka ng masamang espirito!" parang ewan na sabi nito at ng sign of cross pa sa harap niya gamit ang kamay nito.
Napatampal siya sa kanyang noo. Ito ata ang sinapian sa kanilang dalawa 'e. Napailing siya, hindi na siya nasanay sa kabaliwan ni Erin. Ganiyan talaga iyan lagi, parang akala mo nakainom ng sangkatutak na energy drink.
"Ewan ko sa iyo, Erin, padaan nga may lilinis pa ako roon sa baba," aniya at akmang lalagpasan ang babae pero hinawakan siya nito sa may siko.
"Teka lang naman, ito naman pikon agad, gusto ko lang naman mapangiti ka, mukha ka kasing namatayan sa itsura mo," giit nito.
Bumuntonghininga siya muli. "Pasesnya na marami lang talaga ako ginagawa ngayon kaya pagod na pagod ako."
"Hay naku, lagi ka naman busy 'e." Umirap pa ito.
Hindi siya umimik kasi totoo naman iyon, maliban kasi sa pagiging estudyante at janitress ay isa din siyang Student Council President. Hindi naman kasi magawang tanggihan kasi half ng tuition fee niya'y magiging libre kapag isa siyang student officers.
"Pero mare, hindi iyan ang concern ko ngayon."
Napatingin siya sa babae. Lumawak ang ngiti nito at kumikinang ang mga mata na animo'y may naiisip na kalokohan at sigurado siyang kalokohan nga ang iniisip nito.
"Hay naku, Erin. Papagalitan tayo sa ginawa mo 'e. Kung walang kabuluhan rin lang ang chismis na iyan, keep it to yourself na lang at ako'y aalis na dahil may trabaho pa ako–"
"Teka naman, panigurado matutuwa ka rito," hirit pa nito at hinila siya papunta sa gilid.
Bumuntonghininga siya, katatlong beses na niya ginagawa iyon dahil sa babaeng ito.
"Ano ba kasi iyon?" magkasalubong ang kilay na tanong niya.
Ngumisi ito. "Ganito kasi iyon, nakasalubong ko kaninang umaga si sir," panimula nito.
"Oh, tapos?" wala kaganang-ganang tanong niya at pasimpleng nililinis ang sahig gamit ang mop.
"Tapos…" Tumili ito na kinagulat niya, kulang na lang 'e tumalon siya sa ginawa ng babae.
"Ano ka ba, Erin! Mapapagalitan talaga tayo sa ginagawa mo," aniya at tinakpan ang bibig nito.
Inalis nito ang kamay niya. "Paano ba kasi nakita kong sumilip ang-ang–" Tumalon-talon ito at winaksi-waksi ang kamay na parang ewan.
Hindi niya ito pinansin pero napatingin siya sa babae ng hawakan nito ang balikat niya.
"Bakit na naman?"
"Hindi pa nga ako tapos 'e. Makinig ka muna, mamaya na iyan," sabi nito at kinuha sa kamay niya ang hawak niyang mop.
Aagawin niya sana pero tinago nito sa likod nito kaya't bumuntonghininga na lang siya.
"Ano ba kasi nakita mo at bakit para kang palaka kung makatalon-talon riyan," naiinis na komento niya.
"Ahmm…paano ko ba sasabihin…hmmm," hindi makapali na usal nito.
"Aba'y lubayan mo nga ako, Erin–"
"Nakita ko ang itlog ni sir nakahulma sa suot niyang pants!" mabilis na sabi nito na animo'y may hinahabol.
Habang siya'y napatulala sa narinig. "A-ano sabi mo?"
"Sabi ko nakita ko itlog ni sir–"
"ERIN!!" tili niya.
Hindi niya nakaya ang kabastusan ng bibig nito. Tumawa lang ang bruha at tapos lumapit pa sa kanya sabay akbay.
"At hindi lang iyon nakita ko," proud pang giit nito.
"Tama na, ayaw ko na–"
"Heto naman para ka namang birhen Maria diyan kung maka-react ka--ay teka, virgin ka nga pala. Never been kiss and never been touch."
Inalis niya ang kamay ng kaibigan na naka-akbay sa kanya pero hindi siya nito pinakawalan.
"Alam mo chance mo makakita ng hotdog at itlog. Mamaya dadaan muli rito si sir, pwede mong silipan para naman malaman mo kung ano pakiramdam makakita ng jumbo hot at itlog," pilyang giit nito.
"Loka-loka!"
Tumawa lang ito at binitiwan siya. "Oo pala, sasama ka ba mamaya?"
"Saan na naman?"
"Mag-b-bar kami mamaya, maghahanap ng kasing pogi at kahit hot ni sir. Matagal-tagal na rin mula noong nakatikim ako ng hotdog 'e."
Umirap siya. "Ewan ko sa iyo, Erin. Puro na lang kabastusan ang lumalabas diyan sa bibig mo, lumayo ka nga sa akin baka mahawa pa ako."
"Baliw ito! Pero seryoso sama ka?"
Umiling-iling siya. "May pasok pa ako bukas at may exam kami kaya kayo na lang."
Ngumiwi ito. "Kawawa ka talaga sis, wala ka man lang sexy time, puro ka na lang aral at trabaho, tatandang dalaga sa ginagawa mo."
"Anong sexy time na naman iyan?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Kita mo kahit iyon ay hindi mo alam. Sexy time, iyong labing-labing time mo sa jowa mo."
"Wala naman akong jowa–"
"Aba'y paano ka naman kasi magkakaroon ng lalaki kung napaka-conservative mo at ang ilap mo pa."
Hindi siya umimik, ang totoo ay hindi talaga siya nakadama ng atraksiyon sa lalaki kahit kailan kaya siguro wala siyang interest sa pinagsasabi ng kaibigan niya.
"Hay, sige maiwan na kita."
Tumango lang siya bilang sang-ayon. Walang imik na pinagpatuloy na lang niya ang paglilinis sa sahig.
NAKATAYO na siya ngayon sa harap ng elevator. Tapos na niyang linisan ang buong floor kung saan siya naka-assign kaya't nag-desisyon siyang umuwi na para makapahinga siya. Napa-angat siya ng tingin nang may tumabi sa kanya. Napapikit siya ng manuot sa ilong niya ang panlalaking amoy na ngayon niya lang na-amoy parang kay sarap iyon singhutin.
Pagkatingin niya sa taong tumabi sa kanya ay napatulala siya kasi ang gwapo nito hindi, mali hindi sapat ang salitang gwapo sa angking gandang lalaki ng lalaking nasa harap niya. Ngayon niya lang nadarama ang ganitong paghanga sa lalaki na halos manlambot ang tuhod niya sa kaba. Nang lumingon ito sa gawi niya'y parang tumalon ata puso niya.
"Miss? Sasakay ka ba?"
Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses ng lalaki. Grabe ang sarap pakinggan ang boses nito.
"Huh?" nalilitong bulalas niya.
Minasdan siya ng lalaki. "I said, sasakay ka ba?"
"Saan? Sa iyo, pwede rin–" Napailing siya kaagad. Pilit inaalis ang pumasok na kabastusan sa utak niya.
"Naku baka nahawa na ako kay Erin!" sa isip-isip niya.
"Excuse me."
Napatingin siya muli sa lalaki at namula siya nang mapansin niyang ilang hibla na lang layo ng mukha nito sa mukha niya dahil papasok na ito sa elevator.
"Sasakay ka ba o hindi?" seryosong tanong nito.
"S-sasakay," nauutal na sagot niya at mabilis na pumasok sa elevator na kanina pa pala bukas.
Walang imik na sumiksik siya sa gilid at palihim na sinusulyapan ang lalaki. Sino kaya ito? Hindi kaya ito ang sinasabi ni Erin na boss nila? Ang totoo kasi ay hindi pa niya nakikita ang boss nila. Hindi naman kasi ito lumalabas sa office nito at malayo sa floor kung saan siya naka-assign maglinis ang opisina ng lalaki at saka wala naman siyang pakialam rito pero iba ngayon. Sumulyap siya muli sa lalaki.
"Do you need anything?"
Napakurap-kurap siya nang marinig niya muli ang boses nito. Hindi niya inaasahan ang tanong nito.
"Hindi ka na naman umimik," may bahid ng inis na turan nito.
Bago pa man siya makapagsalita ay humarap na ito sa kanya sa gulat niya'y napasandal siya sa elevator.
"A-ano po ginagawa niyo?" nauutal na tanong niya. Lumapit kasi ito sa kanya at walang sabi-sabing kinuha ang id niya.
"So, you are working here?"
Obvious naman sa suot niya pero bakit nagtanong pa ito? Pero para hindi ito mapahiya ay tumango siya. "O-opo."
Binitiwan nito ID niya at nagpamulsa. "Ikaw ba ang naglilinis sa floor na pinaggalingan natin kanina?"
Napalunok siya ng kanyang laway, hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.
"Ako nga po," mahinang sagot niya.
"I see," sabi nito at kinuha muli ID niya at tinignan iyon ng matagal.
"Miss Miara Christ Quinto, starting tommorow, you will be assigned to clean my office," walang kurap-kurap na turan nito.
"Po?" gulat na bulalas niya.
"I'm Dion by the way, your boss."
Napatulala siya, hindi kinaya ng utak niya ang nalaman. Hindi niya tuloy maiwasang mapababa ng tingin at napatigil ang kanyang mga mata sa gitnang hita ng lalaki at halos mapasinghap siya sa nakita.
Nakasilip at nakahulma nga ang jumbo hotdog at itlog nito. Nanlalaki mga mata niya, hindi niya kalain na makakita siya ng jumbo hotdog ng live kahit pa sabihing nakabalot pa rin naman ito ng pants at brief ng lalaki pero kasi talagang humulma ang hugis at haba nito.
"Jusmiyo marimar! Ang inosenteng mata ko!" hiyaw ng utak niya.
Gusto niya iiwas ang mata niya pero may pumipigil sa kanya.
"K-kung ganiyan na iyan kalaki hindi pa tumitigas paano pa kaya kapag tumigas na? Jusko! Kasing laki na ata ng jumbo hotdog at ng t**i ng kabayo," bulalas ng utak niya habang titig na titig sa jumbo hotdog ng kanyang amo.
Parang gusto niyang mahimatay sa gulat at takot nang tila lumalaki pa ito habang tinitigan niya. Walang duda ito nga boss niya, tama nga ang explanation ni Erin kanina at naiintindihan na niya ngayon kung bakit ganun na lang ang reaction nito dahil maging siya'y tila himatayin rin sa nakita. Kung wala lang ang lalaki sa harap niya baka mapapa-sign of the cross siya.
…
Binibining Mary