HINDI maiwasan ni Miara mapasulyap sa gawi ng boss niya, seryoso ang mukha nito habang nakatutok ang atensyon sa daan, kasalukuyan nila tinatahak ang daan pauwi sa kanyang bahay.
“Ano kaya pumasok sa isip ng lalaking ito at naisipan akong pakainin at ihatid? Sadya bang mabait lang siya o baka naman may kapalit ang lahat ng kabutihan na pinapakita nito sa akin?”
Umiling-iling siya upang alisin ang negatibong ideyang pumapasok na naman sa isipan niya. Bumuntonghininga siya at tinuon na lamang ang atensiyon sa labas.
“Anong oras matatapos ang swimming class mo mamaya?”
“Huh?” gulat na bulalas niya at napatingin sa gawi ng lalaki. Sumulyap ito sa kanya at bahagyang ngumiti.
“Kahit saang angulo talaga ang gwapo mo. Kung hindi ka lang mayaman at babaero baka magustuhan kita pero kasi magkaiba tayo ng mundo at ayaw ko sa mga lalaking pinaglalaruan ang mga kapwa ko babae,” Sa isip-isip niya habang nakatingin sa lalaki.
“I think it will end at 5, right?”
Napakagat siya ng kanyang ibabang labi at marahang tumango. “Opo.”
Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng lalaki at bahagya pa itong natawa sa kanyang sinagot na labis niyang pinagtaka.
“How old are you, Miara? 20? 21?” biglang tanong nito at sumulyap na naman sa gawi niya.
“21, sir,” sagot niya kahit pa nagtataka siya bakit bigla na lamang ito nagtanong sa kanya ng gayong tanong.
Tumango-tango ang lalaki. “I see. I’m just 7 years older than you, so maybe we can cut the formality, right?”
Kumunot ang kanyang noo. “Ano po ang ibig ninyong sabihin, sir?”
“I mean, you don’t need to use “Opo” and “po” when you talk to me. Pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na kapag ginawa mo iyon,” seryosong giit ng lalaki at tumingin saglit sa kanya tapos ngumiti ito.
Natahimik siya. Sana ganun lang kadali lang lahat, naiilang pa din siya sa kinikilos nito at lalo na sa pagtrato nito sa kanya. She never had a man in her life, wala siyang karanasan sa mga lalaki kaya’t hindi niya alam kung paano i-handle ang mga ito.
“Diyan lang lang sa gilid, sir,” aniya mayamaya nang mapansin niya ang maliit na bake shop.
Hindi sumagot ang lalaki hininto lang nito ang kotse sa harap ng bake shop. Tumingin siya rito habang kagat-kagat ang kanyang ibabang labi, hindi niya pa din pagilan ang sariling mahiya dito kahit pa medyo matagal na din silang nakasama at nag-usap.
“Maraming salamat po ulit,” mahina ang boses na aniya.
“Is that bake shop owned by your family?”
Napasulyap siya sa maliit na bake shop. Hindi iyon kanila kundi sa kanyang tiya, tumutulong din siya pamansin-minsan lalo pa kung wala siyang pasok o trabaho, bukod sa makakadagdag sa ipon niya ang sweldo ‘e mahilig kasi siyang mag-baked at mag desinyo ng cake at cup cake.
“Sa auntie ko po,” sagot niya at binalik ang tingin sa kanyang boss. Nanlaki ang mga mata niya at parang tumigil ata ang pagtibok ng puso niya nang mapansin niyang ilang hibla na lamang ang layo ng labi ng lalaki sa labi niya.
“S-Sir, ano po ginagawa niyo?” habol hiningang aniya.
“Shh, relax, mabilis lang ito,” seryosong sabi ng lalaki at mas inilapit pa ang mukha nito sa kanya. Napapikit siya sa kaba at napakagat labi nang maamoy niya ang mabagong panlalaking perfume ng lalaki.
“Diyosko ginoo, bakit ito nangyayari? Bakit hindi ko siya magawang itulak? Nababaliw na ba ko”
“There it’s done.”
Napamulat siya at namimilog ang kanyang mga mata nang mapagtanto niya kung ano ang ginawa ng lalaki. Inalis pa nito ang seat belt niya parang gusto niyang mawala na lang na parang bula sa harapan nito sa sobrang hiya.
“So, see you later,” nakangiting sabi ng lalaki at tumingin sa kanya. She can read amusement in his eyes, na para bang naaliw ito sa naging reaction niya.
Siya naman parang gusto na niyang tumakbo palabas sa kotse sa sobrang hiya.
“Kahiya ka self! Kahiya ka!” kastigo niya sa sarili gamit ang mahinang boses.
“Sige, mauna na ako, sir,” mahinang aniya at hindi na tumingin sa mga mata ng lalaki kaagad niyang binuksan ang pintuan para makababa na siya.
SA isang resort ginanap ang swimming class nila. Ngayon din kasi gaganapin ang swimming competation at kasali siya sa mga participant. Naghahanda na siya ng mga sandal iyon sa banyo.
“MIARA!!! MY BEST PA SA THE BEST THE BFF!!” malakas na sabi ni Erin at kaagad siyang nilapitan at niyakap. Kasali din ang babae pero magkaiba sila ng category.
“Ang boses mo, day. Hinaan mo naman nasa public place tayo,” saway niya sa kaibigan humaba lang ang nguso nito.
“Oo pala, bakit tila hindi kita nakita umuwi kagabi? Masyado na bang late na tapos ang paglilinis mo? O baka naman hinintay mo na naman matapos ang sexy moment ni sir sa babae niya?”
Bumuntonghininga siya. “Ano pa nga ba,” sagot niya at hindi na sinabi sa kaibigang natulog siya sa opisina ng lalaki, kumain sila ng sabay at hinatid pa siya nito. Ayaw niya lang kasi mag-isip ng kung ano-ano si Erin, ang lawak pa naman ng pantasya ng kaibigan at baka saan na naman mapunta ang usapan kapag sinabi pa niya dito.
“Hay, hindi pa din talaga ako makapaniwala na nagkakaganiyan si sir, hindi naman siya dating ganiyan ngayon-ngayon lang pero sister, magkwento ka naman,” humaba ang ngusong giit ni Erin.
Inayos na niya ang kanyang buhok. “Ano naman ang ikwe-kwento ko?”
“Alam mo na, kung naabutan mo palaging si sir na may ka-sexy time, may time din bang nakita mo ang ano niya?”
Nanlaki ang mga mata niya sa naging tanong ng kanyang kaibigan. Nanlaki din ang mga mata ni Erin sa naging reaction niya.
“Omo, omo, so, nakita mo nga?!” tanong nito at tumalon-talon na parang baliw.
“Ano pinagsasabi mo? Nakita ang alin?” painosenteng tanong niya at tumikhim ng mag-flash sa utak niya ang kargada ng boss niya na minsan na din niya na silayan ng hugutin iyon ng lalaki mula sa kaaluyaw nito.
“Asus, painosente ka pa, iyong ano niya, hotdog at itlog, nakita mo?”
Umiwas siya ng tingin. “Tumigil ka nga, Erin! Tanghaling tapat ‘e kung ano-ano na namang kamanyakan iyang lumalabas sa bibig mo,” masungit na aniya.
“Heto naman masyadong KJ, pero alam mo ba, day, may nabasa ako sa internet. Kung ano daw ang kulay ng labi ng mga lalaki ay iyon din ang kulay ng ulo ng p*********i nila.”
Parang gusto niyang sakalin ang kaibigan dahil kasi sinabi nito bumalik na naman sa isipan niya ang itsura ng kargada ng kanyang boss. Pumikit siya ng mariin at umiling-iling para mawala sa isipan niya ang kabastusan na iniisip niya.
“Kaya nagtanong ako sa iyo kung nakita mo ba, sa boyfriend ko kasi parehas na parehas ang kulay ng labi niya at dulo ng p*********i niya–”
“ERINNNNN!!” tili niya ng napakalakas dahil hindi na niya kinakaya ang mga lumalabas na kabastusan sa bibig ng kaibigan niyang manyakis. Tumawa lang ang bruha.
“Oh siya, titigil na. Goodluck sa atin mamaya,” nakangiti sabi ng baliw niyang kaibigan at tinapik siya sa balikat sabay talikod. Napailing na lamang siya, kahit kailan talaga walang magandang maidudulot sa isipan niya kapag si Erin ang kausap niya. Kahit ganun ang kaibigan niyang iyon ay hindi pa din niya na-imagine ang buhay niyang wala ito. Erin brings joy and comfort to her life kaya’t hindi niya hahayaang masira ang friendship nila.
Nakapila na siya, nag-uumpisa na kasi ang kompetesyon. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili, ito ang unang beses niyang sumali sa swimming contest kaya’t medyo kabado siya. Isaktong pag-angat niya ng tingin ay may nahagip ang kanyang mga mata na pamilyar na mukha.
“Before we proceed to the next round, we would like to acknowledge the presence of the owner of this resort Mr Aljin Dion Savadra. Let's give him a round of applause."
Muntik na siya matumba sa kanyang kinakatayuan ng makilala niya ang lalaki. Ang boss niya narito! Nagtama ang mga mata nila, kumaway ito at ngumiti.
"s**t! Ang gwapo naman niya, single pa ba iyan?" Narinig niyang sabi ng kasama niya na si Tally.
"Oo nga, pang pocketbook ang datingan ni sir. Ang pogi, makisig at mayaman. Swerte naman ng babaeng mapapangasawa niya," kinikilig na dagdag naman ng isa pa niyang kasama na si Rollyn.
Parang gusto niyang mapairap. Kung alam lang ng mga ito kung ano ang bisyo ng boss niya baka bawiin ng mga ito ang sinabi.
"Thank you so much for inviting me to this swimming competition. It's been a while, to be honest, l am also a swimmer. I go to competitions and win every round. So, if you have to be a professional swimmer, you should believe in yourself because if you do, everything is possible…"
Marami pang sinabi ang lalaki pero hindi na niya pinakinggan, mas tinuon niya ang kanyang pansin kung paano siya mananalo. Ilang sandali pa ay tapos na kompetisyon at nanalo sila ng team niya.
SA LABAS ng resort siya ng bantay ng masasakyan, hindi sila magkasama ni Erin nauuwi dahil may gimik pa ang kaibigan. Wala naman kasi itong pasok mamaya sa pinagtatrabahuhan nila kaya ayos lang kahit gumala pa ito, habang siya ay naisipan niyang pumasok kahit day off rin niya. Kailangan niya bumawi, hindi na nga siya kahapon nakapaglinis tapos hindi pa din ngayon aba't hindi naman puwede iyon. Napa-angat siya ng tingin nang bigla na lamang may tumigil na pamilyar na kotse sa harap niya at bumisina pa ito.
"Hatid na kita."
Bumukas-dili ang kanyang mga labi sa gulat. Nandito lang naman ngayon sa harap niya ang kanyang boss na pinaglihi ata sa kakulitan.
"Miara, let's go, l'll drive you home–"
"Huwag na po, may pupuntahan pa kasi ako, hindi pa po ako uuwi," mabilis na aniya kahit ang totoo ay wala na siyang pupuntahan.
"It's alright, l can take you where you want to go–"
"Sir Aljin, hindi po makakabuti sa ating dalawa kung may makakita sa atin na magkasama tayo. Bukod sa simpleng estudyante lang ako at officer pa, na may inaingatang pangalan, kayo rin hu ay ganun din. Kaya po, huwag na po ninyo ako ihatid kaya ko na po ang sarili ko. Maraming salamat po sa pag magandang loob ninyo pero ayos lang talaga ako, sir," seryosong giit niya.
Matagal siyang minasdan ng lalaki tapos sumeryoso ang mukha nito. Bigla siya tuloy kinabahan, minsan niya lang kasi ito nakitang ganun kaseryoso na para bang galit ito.
"Huwag mo po sana, sir, masamain iniisip ko lang po ang–"
"It's alright, l'm sorry for bothering you Ms. Quito. Excuse me," seryosong putol nito sa sinasabi niya at sinara ang bintana ng kotse at mabilis na pinaandar ang makina ng kotse at pinaharurot iyon.
Napakagat siya ng kanyang ibabang labi.
"Mukhang ginalit ko ata ang lion," mahinang sabi niya at napabuntonghininga.
PAGDATING ng gabi, tahimik ang silid kung asan siya nag-aayos dahil nga wala si Erin. Napasulyap siya sa cupcake na siya mismo ang gumawa, ewan ba niya bakit niya naisipang dalhan ang boss niya ng cupcake.
"Sana hindi na siya galit," mahinang aniya at kinuha ang maliit na box kung asan niya inilagay ang cupcake. Bitbit ang cleaning tools at cupcake box ay tinahak niya ang daan patungo sa elevator.
Bumuntonghininga siya, tinatahak na niya ngayon ang daan patungo sa may opisina ng boss niya. Napatingin siya sa kanyang relo, napaaga ata ang dating niya. Napatigil siya sa paghakbang ng may narinig siyang ungol.
"Ah! Ah, yes! Faster, faster!"
Tumaas ang kilay niya na halos umabot na sa kanyang noo.
"Bakit pa ba ako nagugulat sa tagpong ito? Eh, heto naman lagi naabutan ko?" mahinang tanong niya sa sarili at sumandal sa dingding, inilagay muna niya ang mop at ang cupcake box sa sahig.
Hindi na siyang nag-abala pang sumilip at baka makaistorbo pa siya. Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto, napaayos siya ng tayo.
"Aljin, you're the best!" maharot na sabi ng babae habang parang sawang makaligkis sa kanyang amo.
Pigil niya ang sariling mapataas kilay.
"So, will we go to my condo or to hotel?" nakangiting tanong babae ng hindi umiimik ang kanyang boss.
Sumulyap siya sa lalaki, seryoso ang itsura nito.
"Hotel," maikling sagot ng lalaki at humakbang na patungo sa may elevator na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Hindi niya alam pero parang may kumirot ang dibdib niya.
"Ano ka ba naman, Miara! Umayos ka nga at gawin mo na trabaho mo. Nandito ka para maglinis at hindi para walang kabuluhang bagay," kastigo niya sa sarili at dali-daling dinampot ang cleaning tools niya at tinulak na ang pintuan ng opisina ng lalaki.