Chapter 6

1783 Words
KINAUMAGAHAN, namulat ang mga mata ni Miara nang maramdam niyang tila may masilaw na bagay na tumatama sa mukha niya, idagdag mo pa, tila may matigas at mainit na bagay siyang hinahawakan. Pagtingin niya sa may kamay niya ay napakurap-kurap siya at nanlaki ang mga mata niya nang tumambad sa paningin niya ang gwapong mukha ng kanyang Boss. Nakapikit ito kaya't kitang-kita niya ang mahabang pilikmata nito, matangos na ilong ang mapupulang labi. Napabalikwas siya ng bangon nang mapansin niyang nag-aagaw ang dilim at ang liwanag sa labas. "s**t! Nakatulog pala ako?" bulalas niya at bumalikwas ng bangon. Nang mahagip ng ng mga mata niya ang digital clock sa mesa ng boss niya ay halos mabale ang leeg niya sa gulat at parang gusto niya lumundag. "Wtf! Umaga na!" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na bulalas niya. "Ang ingay mo." Napatingin siya sa lalaki na ngayon ay kinikusot-kusot ang mga mata. "A-ang unfair! Bakit tila parang hindi siya galing sa pagtulog, gan'yan ba talaga ka fresh gumising ang mga mayayaman, fresh pa rin, ni walang laway o muta!" pagwawala ng utak niya habang nakatitig sa Boss niya. "Stop staring!" saway nito nakinagulat niya. Bigla siyang napayuko nang mapagtanto niyang may kasalanan siya rito. "S-sir, I'm sorry if nakatulog ako kagabi, hindi ako nakapaglinis, hayaan niyo po't hindi ako uuwi ngayong umaga, maglilinis po ako at mamayang gabi maglilinis rin po ako, huwag niyo lang po kaltasan sweldo ko," mabilis na sabi niya na tila ba may humahabol sa kanya. Matagal siyang pinagmasdan ng lalaki at mamaya ay natawa ito kaya't nanlalaki naman ang mga mata niya habang nakatitig rito. "B-bakit po kayo natatawa?" nauutal na tanong niya. Napahawak siya sa kanyang mukha nang mapagtanto niya baka may star pa siya sa mga mata at may laway pa sa gilid ng labi niya. Parang gusto niyang maghukay at dun ilibing ang sarili niya sa sobrang kahihiyan na nadarama niya nang mga sandaling iyon. "Hey, are you okay?" Napa-angat siya ng tingin at wala sa sariling tumango. "By the way, don't feel bad, hindi ko kakaltasan ang sweldo mo, and you don't need to clean my office right now," malumanay na giit ng lalaki. Lumiwanang naman ang mukha niya. "Totoo, sir?" Kumurap-kurap ang mga mata ng lalaki at mamaya pa ay umangat ang gilid ng labi nito. "Yes but on one condition." Napawi ang ngiti niya at bigla siyang namutla. "K-kondisyon? A-ano naman po iyon?" kabadong tanong niya. "Hey, ba't ganiyan na lang ang reaksyon mo animo'y kakatayin kita ng buhay," kunot-noong tanong ng lalaki. "I'm not that bad, okay? Hindi mo kailangan kabahan ng ganiyan, ganun na ba ako kasama sa paningin mo?" may bahid ng hinanakit tanong nito. Bigla tuloy siyang na konsensya, napayuko na lamang siya. "Answer me, Miara. Takot ka ba sa akin?" seryosong tanong ng lalaki. Hindi siya umimik, ayaw niya magsalita baka kasi sumakit lang lalo loob nito kapag sinagot niya ang tanong. "Hey, come on, talk to me," tila naiinip nang giit nito at hinawakan siya sa braso, kaagad naman siyang ng angat ng tingin at umatras. Nakita niyang nasaktan ang lalaki sa ginawa niya kaya mas lalo tuloy siyang na konsensya. "A-ano po gusto niyong isagot ko?" lakas loob na tanong niya. "An honest answer of course," mabilis na tugon ng lalaki at binitiwan siya. Bumuntonghininga ito. "Nevermind, you don't need to answer me, halata naman sa mukha mo." Napayuko siya at pinaglaruan niya ang kanyang mga kamay. ILANG SAGLIT pa ay natagpuan na lamang ni Miara ang sariling nakasakay sa kotse ng Boss niya. "S-sir, saan po tayo pupunta?" kinakabahan tanong niya. Sumulyap si Dion sa kanya at bumuntonghininga ito. "Gan'yan ka ba talaga katakot sa akin? Hindi kita sasaktan kung iyan ang iniisip mo at lalong hindi kita, pagsamantalahan, so, relax will you," seryosong giit nito. Natameme naman siya. Mukhang nababasa ng lalaki ang iniisip niya, nahulaan kasi nito lahat. "Kakain lang tayo sa restaurant ng kaibigan ko, because l know, hindi ka ng hapunan kagabi dahil sa pagod nakatulog ka–" "Pero sir, hindi niyo po kailangang gawin ito, may kasalanan na nga ako sa iyo tapos ililibre mo pa ako ng agahan–" "This is my condition, so, tanggapin mo na lang at saka, nakakawalang ganang kumain mag-isa, l need a company today, so, can you?" Matagal niyang minasdan ang lalaki saka bumuka siya ng hangin. Bago pa man bumuka ang labi niya para sumagot ay nauna na ang tiyan niya. "See, nagugutom ka na, so huwag ka nang magreklamo diyan, samahan mo na lang ako," natatawang giit ni Dion. "S-sige po kayo pong bahala," pagsuko niya. NILIBOT ni Miara ang tingin sa loob ng restaurant, oo dumating na sila at hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng restaurant na pinasukan nila. Parang gusto niyang umuwi nang makita niya ang mga presyo ng pagkain sa menu. "Nakapili ka na ba?" Napatingin siya sa kanyang kaharap. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa kanya, hawak ng dalawang kamay nito ang menu. "K-kung ano na lang po sa inyo, iyon lang din po sa akin," mahinang sagot niya. Hindi umimik ang lalaki nakatingin lang ito sa kanya, napaiwas tuloy siya ng tingin dahil naiilang siya sa bigat ng titig nito. Mamaya pa ay dumating na ang waiter at kinuha na ang order nila, hindi niya maiwasang mapatingin sa suot niya at sa paligid nila. "Buti na lang pala nagpalit ako ng damit bago ako sumama sa kanya baka napahiya ako kung naka-uniform pa ako, ang gara ng mga damit nila…" mahinang komento niya at napayuko. Simpleng t-shirt at jeans ang suot niya habang buhok niya ay katulad ng hairstyle ng bidang babae sa Meteor Garden na si Shancai. Nagmukha siya tuloy bata, na kapag pinagtabi sila ng Boss niya tila ba nakababatang kapatid siya nito. "Miara? Miara?"Napakurap-kurap siya at napabalik sa katawang lupa niya nang marinig niya anh boses ng Boss niya. "Sir?" Bumuntonghininga ito. "Ayos ka lang ba? Tila kasi wala ka sa sarili, kanina pa kita kinakausap hindi ka sumasagot." Napayuko siya. "Sorry po–" "Nevermind, by the way, may gagawin ka ba after this?" Napa-angat siya ng tingin sa lalaki. "Opo, may klase po ako mamayang 9 hanggang hapon, bakit po? May ipapagawa ka po ba?" Umiling ito. "Wala naman, nag-aaral ka pa pala, ilang taon ka nga uli, Miara?" "2-21 sir, third year college na po ako," utal na sagot niya. Tumango-tango ang lalaki. "I see, ano course mo? At bakit nag-w-work ka while studying?" "I'm currently taking BSHM course at Saint Louise Academy, sir. Nagtatrabaho po ako kasi kailangan ko pong suppportahan ang sarili ko at makatulong sa magulang ko," seryosong sagot niya. "Wala bang trabaho ang mga magulang mo?" Napatitig siya sa lalaki, nagtataka lang siya kung bakit tila ba interesado itong malaman ang kwento ng buhay niya. "Ahmmm…may trabaho po nanay ko, isa po siyang OFW at ang tatay ko naman po ay isang tricycle driver. Anim po kami magkakapatid at ako ang panganay, although nasa abroad ang nanay ko, kailangan ko po pa rin ng extra income para matustusan po ang gastusin sa eskwela saka, anim po kami, lahat po kami ay nag-aaral kaya't mahirap po para sa nanay kong tustusan kami lahat kaya't heto ako tumutulong," mahabang paliwanang niya. Nakita niyang sumeryoso ang mukha ng lalaki at pinagmasdan siya. "Nasa private school ka nag-aaral hindi ba?" Tumango siya. "Opo, ahmmm scholar po ako ng school dahil I'm a council President, pero half lang po ng tuition ko na-c-cover ng scholarship ko kaya't si Nanay ko pa rin po nagbabayad nun at simpre dahil may trabaho na ako ngayon kahit papano ay nakakatulong na ako sa bayarin, hindi ko na kailangan humingi ng allowance ko dahil may sweldo na ako. Kaya mahalaga po sa akin ang trabaho kong ito," dagdag pa niya. Umayos ng tayo ang lalaki. "I see, l don't know what to say, you're such a strong and hard working woman. I admire you for being like that, madalang na lang sa generation mo ang ganiyan." Napatango-tango siya. "Siguro po, salamat po sa papuri sir." "Ano plano mo after you graduate?" Napakagat labi siya dahil ito ang unang beses na may nagtanong sa kanya about sa plano niya at lalaki pa. "Ahmm….plano ko pong mag-apply sa hotel o restaurant para makakuha ng experience, tapos ko po makakuha ng experience, plano po namin ng nanay kong sumunod po ako sa kanya sa Dubai, sabi niya kasi marami raw opportunities roon sa tulad kong HM ang course," paliwanang niya. Napataas kilay nito. "Wala kang planong mag-work sa company ko?" Napakurap-kurap siya dahil nagulat siya sa naging tanong nito. "You see, HM is a flexible and adaptable course, you can work in any workplace, including of course at a company and l can say that my company is one of the best choices na pasukin bukon sa mahal and pasweldo, we offer training to workers–" "Pero hindi naman po kasi ako mag-w-work talaga ng matagal sa hotel man o sa mga companies, plano ko po kasing mag-apply bilang Guro sa public school kapag nakaipon na ako ng enough experiences and knowledge about sa job na related sa course ko, like housekeeping and cooking," katwiran niya. Magkasalubong ang kilay na tumititig sa kanya ang lalaki. "Plano mo pala maging guro bakit hindi ka na lang education ang kinuha mo? Why HM?" Umayos siya ng upo, marami na nagtatanong sa kanya ng ganiyang tanong pero siempre iba kapag ang Boss niya mismo ng tanong nun sa kanya nakadama siya ng kaunting kaba. "It's because, my goal is to obtained not only knowledge but also wisdom. Gusto ko kasi, iyong ituturo ko ay na experience ko mismo, l mean iba pa rin kasi kapag karanasan kaysa sa kaalaman lang. Para kasi sa akin, mas madali at mas effective magturo kapag, ikaw mismo na guro ay naranasan ang tinuturo mo, you can provide both knowledge and skills. Besides, you can demonstrate the procedure correctly, you can give tips and do's and don'ts na nag-e-exist talaga sa industry hindi lang basta theory lang," mahabang paliwanang niya. Napakurap-kurap siya nang pumalakpak ang lalaki. "Impressive, hindi ka lang pala basta maganda at hard worker, you are also smart and wise," puri nito sa kanya. Nahihiyang ngumiti lang siya, mamaya pa ay dumating na ang order nila. Hindi niya maiwasang mapangiti habang kumain na sila ng lalaki, dahil hindi niya akalain na magkakasundo sila, na mabait naman pala ang lalaki, hindi lang pala kabastusan ang alam nitong gawin, he's a good listener. "Parang gusto kuna tuloy mas makilala ka pa," bulong ng utak niya habang nakatingin sa Boss niyang walang imik na kumain sa harap niya. Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD