Friends Sinundan ko ng tingin ang bawat galaw ni South sa bahay nila Trey. Na kapag tumitingin ito pabalik sa akin ay napapasimangot agad ako. Minsan ay bumibigkas ako ng 'please' kaya bibigkas rin siya ng 'ayoko' sanhi para mapasimangot ako lalo. "Bukas ulit, Nana! Babye." Winagayway sa akin ang kamay ni Franca na ikinawagayway ko rin ng akin at nginitian siya pabalik. Binalingan ko rin ang kambal. "Babye North! Babye, South!" I smiled at them. Tumango si North na may ngiti sa labi maliban kay South na hindi man lang ako tiningnan. Siguro kung si North ang nakaalam noong secret ko ay papayag siya agad sa gusto ko. Mabait kasi siya at palaging nakangiti hindi kagaya kay South na wala atang mahanap na rason para ngumiti. Naglalakad na kami ni White pauwi. Si Ken naman ay nakabuntot