Mapple's Pov
HINDI mawala sa isip ko ang nabasa kong sulat ng lalaking yun. Nahihirapan tuloy akong makatulog dahil sa punishment na sinasabi niya.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakita ako ng lalaki kaninang umaga. Nakaharap naman kasi siya sa girlfriend niya kaya kampante ako kanina na hindi niya ako makikita.
Ang nakakapagtaka pa ay naaalala niya ko, kahit hindi naman talaga dapat. Napaka simpleng babae ko lang naman para maalala niya. Kahit yata kuko sa paa ng girlfriend niya ay hindi ako papantay.
Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog. Mabuti na lang din at day off ni mama kaya nandito siya ngayong gabi. Kaya walang kumakatok sa labas ng pinto ng kwarto namin ng kapatid ko.
Pinilit kong makatulog dahil may pasok pa ako bukas. Siguro naman ay hindi na pupunta ang gwapong lalaking yun sa harap ng school namin. Ngunit pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Hanzel na pag-aari niya ang ginagawang building sa tapat ng school namin. Sana lang ay hindi na siya dumalaw sa site kung ganun. Natatakot kasi ako sa sinasabi niyang punishment eh wala naman akong kasalanan sakanya.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at hinayaang dalawin ng antok.
Kinabukasan, maaga ulit kami na gising ni Maureen. Nakaligo na kami kaya nandito kami sa kwarto at nagbibihis.
Pakanta-kanta pa talaga ang kapatid ko ng chikading-chikading habang naka ngiti. Ako naman ay kinakabahan, ewan ko ba.. hindi ako mapakali. Wala naman sana kaming quiz ngayong araw, pero baka may pa surprise quiz siguro ang teacher namin kaya siguro ako kinakabahan.
Nang matapos kami ni Maureen ay lumabas na kami ng kwarto namin. Lumapit kami agad sa mesa dahil may nakahanda ng pagkain do'n. Pero wala si mama at ang manyak namin na stepfather.
Kumain nalang kami ni Maureen at baka malate pa kami sa klase. Mabilis namin tinapos ang pagkain namin at agad kong hinugasan ang platong ginamit namin ni Maureen.
"Ate, nasan kaya sila mama?" Tanong ni Maureen sa 'kin.
"Ewan ko. Baka pumunta ng palengke." Sagot ko habang binabalnawan ang kinainan namin.
"Pano po yung baon natin?" Nakanguso na tanong sa 'kin ni Maureen.
"Hayaan mo na, may natira pa naman akong pera kahapon, yun nalang baon mo." Sagot ko habang pinupunasan ang kamay sa nakasabit na maliit na towel.
"Sige po, ate. Pero pano ka po? Baka wala ka pong pera pang snack." Sabi ng kapatid ko.
"Lollipop nalang para mabusog ako." Sagot ko saka kinuha ang bag na inilagay ko sa upuan namin. "Tara na!" Aya ko sakanya kaya tumango siya at kinuha narin ang bag niyang barbie ang print.
Lumabas kami ng bahay at sinirado ang pinto. Mabuti nalang at sakto lang din ang dating ni mama na may dalang pinamili galing sa palengke. "Pasok na po kami, ma." Sabi ko kay mama ng makalapit siya samin.
"O ito baon niyo.." sabi ni mama sabay abot samin ng pera.
"Bye po, mama!" Sabi ng kapatid ko habang kinakaway ang kamay niya.
"Kapatid mo Mapple ha! Baka malingatan mo." Paalala sa 'kin ni mama kaya tumango ako saka ko hinawakan ang kamay ng kapatid ko.
Nagsimula na kaming maglakad habang kung ano-ano lang ang pinag-uusapan namin dalawa ng kapatid ko.
May project siya kagabi pero tinulungan ko naman siya. Sa drawing book lang naman, mabuti nalang at marunong ako mag drawing.
"Uy Maureen.. yung paalala ko sa'yo ha! Wag kang makipag usap kapag hindi mo kilala ang tao. Wag ka din tatanggap ng pagkain kung hindi mo kakilala. Mamaya pala sindikato yun sige ka.." pananakot ko sa kanya.
"Opo. Hindi ko na po gagawin." Sagot niya. Nakiusap kasi siya sa 'kin kahapon na wag ko daw siyang isu-sumbong kay mama. Siguardo kasi ako na pektus ang aabutin niya kapag nalaman yun ni mama, pati ako ay lagot din kaya hindi ko na sinabi at baka mahataw pa ako ng hanger.
"Sasusunod na gagawin mo pa yan isusumbong na talaga kita." Sabi ko.
Napanguso naman siya at hindi na sumagot.
Hawak ko parin ang kamay niya habang naglalakad kami. Medyo malapit na kami sa school namin. Natatanaw ko na kasi mula dito. Tagaktak na nga din ang pawis ko, umagang-umaga mukha na akong pauwi.
Nakarating kami sa harap ng gate at nakahinga ako ng maluwag dahil wala ang magarang kotse ng lalaking yun. Siguro ay hindi yun pupunta ngayong araw kaya safe ako.
Dapat kasi siya na ang umiwas eh, hindi naman kasi pwedeng ako. Alangan naman lumipat ako ng school katulad sa mga napapanood kong drama. Mahirap lang naman ako baka batukan lang ako ni mama kung magpapalipat ako ng school. Kaya dapat siya ang mag adjust sana.
Pumasok kami ng gate at agad namin tinungo ang classroom ni Maureen.
Nang makarating kami sa harap ng room niya ay binitawan ko na ang kamay niya. "Wag madaldal sa klase, Maureen. Makinig kay teacher." Paalala ko kaya tumango siya.
"Sige po, ate. Ikaw din. Wag kang suplada." Sagot ng kapatid ko saka tumakbo palayo sa 'kin. Sinabihan pa akong suplada.
Nang makita kong nakapasok na si Maureen sa room niya ay nagsimula narin akong maglakad papunta sa classroom ko. Marami akong kasabay na estudyante sa covered walk.
Naiirita pa ako dahil ang bagal maglakad ng nasa unahan ko. Mag jowa yata dahil magkahawak kamay sila habang mabagal na naglalakad sa unahan ko. Napairap nalang ako dahil napakahinhin ng tawa ng babae, halatang nag papabebe. Bumagsak sana sila sa first grading.
Bibilisan ko na sana ang lakad ko ng may biglang humawak sa kamay ko. Napatigil ako at agad tinignan ang kamay na humawak sa 'kin. Nag angat ako ng tingin at nakita ang lalaking tinakasan ko sa kotse.
Nanlaki ang mga mata ko at nakalimuta ko yatang huminga. Nakatitig lang siya sa 'kin habang napaka seryoso ng mukha niya.
"Remember me?" Tanong niya sa baritonong boses.
Napakurap-kurap ako sa harap niya at hindi alam ang isasagot ko. Pilit kong hinahalukay ang isipan ko para masagot ko ang sinabi niya. "Ahm.. hindi po eh. Sino ka po ba?" Patay malisya kong tanong. Ang gaga ko talaga! Bakit ko nasabi yun eh kitang-kita niya ang mukha ko n'ong gabing yun. Baliw talaga ako! Pero hayaan ko na, yun ang naisip ko eh.
"Really? You don't know me?" Tanong niya kaya tumango ako.
"O-Opo. Sino ka po ba?" Tanong ko nalang at pinangatawanan talaga na hindi ko siya kilala. Ang sarap kutusan ng sarili ko dahil nautal pa ako. Baka mahalat niya ako.
"Ohh.. baka kamukha mo lang siguro yung hinahanap ko." Sagot niya saka binitawan ang kamay ko. Napadako ang tingin ko sa suot niyang suit dahil bagay na bagay sakanya. Halatang may tinatagong abs. Hindi ko kasi yun nakita n'ong may nangyari samin dalawa. Matipuno talaga ang katawan ng lalaking 'to. Matangkad din siyang lalaki. Hanggang dibdib lang niya ako.
Panay din ang tingin samin ng ibang estudyante na dumadaan din sa covered walk. Pero hindi ko na pinansin ang mga tingin nila dahil naka focus ako sa lalaking nakatayo sa harap ko. Nagtataka ako kung bakit siya nakapasok sa loob ng eskwelahan namin.
"Baka nga po, sir." Sagot ko saka pilit na ngumiti.
Bumuntong hininga siya saka tumingin sa paligid. "Hinahanap ko kasi ang batang yun eh." Sabi niya habang nakatingin sa paligid.
"Ahh ganun po ba. Bakit mo naman po hinahanap, sir?" Walang prenong tanong ko. Kainis! Mahahalata niya ako sa tanong ko.
"Tinakasan kasi ako no'n eh." Sagot niya saka ibinalik ang tingin sa 'kin.
"Ahh.. pero bakit dito niyo po hinahanap, sir?" Tanong ko ulit.
Ngumisi siya sa 'kin saka humakbang palapit sa 'kin napa-atras naman ako ng wala sa oras. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin saka tinitigan ako ng mabuti.
Naiilang naman akong umiwas ng tingin. "S-Sir.. sobrang lapit mo po masyado." Nauutal kong sabi.
"You can't fool me, little girl. Memoryado ko ang mukha mo kaya wag ka ng magkunwari." Bulong niyang sabi. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"A-Ano.. h-hindi po kita maintinidihan, sir." Sagot ko habang hindi makatingin ng diretso sakanya.
"Sige, sabi mo eh," sagot niya saka lumayo ng kunti sa 'kin. "See you later, little girl." Dagdag niyang sabi saka umalis sa harap ko.
Nilagpasan niya ako kaya napasunod ang tingin ko sakanya. Siguro ay lalabas na siya ng eskwelahan.
Nakahinga ako ng maluwag habang hinahaplos ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko. Pilit kong pinapakalma ang puso ko dahil sa lalaking yun.
Naglakad nalang ulit ako at tinungo ang classroom namin. Habang naglalakad ako ay iniisip ko parin ang mga sagot ko sa lalaking yun. Halata talaga ang mga sagot ko kaya napasabunot ako sa buhok ko.
Nakarating ako sa harap ng classroom namin at agad akong pumasok. Ganun parin, maingay at magulo ang mga classmate ko. Mga isip bata talaga kaya nakakinis. Lalo na 'tong mga boys na panay ang bato ng mga papel na nakalukot kaya nagkalat tuloy yun sa sahig. Ang aga-aga kalat na agad ang classroom.
"Hoy, Mapple.. sino yung gwapong lalaki na humawak sa'yo kanina?" Tanong ng isa kong classmate. Siguro ay nakita niya kami kanina sa covered walk.
Umupo muna ako sa pwesto ko saka ko inilapag ang bag ko sa mesa. "Hindi ko kilala. May tinanong lang sa 'kin." Walang buhay kong sagot sa classmate ko.
"Waaa.. ang swerte mo naman, ikaw pa talaga ang napag tanungan niya. Ang gwapo kaya niya pang model talaga ang hitsura ng lalaki at ang tangkad pa." Kinikilig niyang sabi kaya napa-irap ako. Eh di sana siya nalang ang pinagtanungan ng lalaki, akala niya siguro masaya ako sa nangyari, hindi! Kabado ako bali bente.
Hindi ko na sila pinansin pa, nakakatamad kasi makipag usap. Si Hanzel nga lang kinakausap ko eh, pero wala pa ang baklitang yun. Absent pa yata.
Biglang pumasok ang teacher namin kaya nataranta ang mga ka klase ko. Pinulot nila ang mga papel na nagkalat sa sahig. Ako naman ay nakaupo lang habang binubuksan ang bag ko para kunin ang notebook ko. Magsisimula na kasi si ma'am.
Pumunta si teacher sa harap kaya umupo na ang mga classmate ko sa pwesto nila at tumahimik. Tumingin ako sa pintuan at hinihintay si Hanzel. Siguro nga ay absent siya ngayon, hindi man lang niya sinabi sa 'kin.
"Good morning, class!" Bati ni teacher samin.
Tumayo naman kaming lahat. "Good morning, Ma'am Castro." Sabay-sabay naming sabi.
Sumenyas si teacher na umupo daw kami kaya umupo agad ako.
"By the way class, may bago kayong classmate." Saad ni teacher kaya kumunot ang noo ko. May bago palang transferee.
"Halika, hijo. Pasok ka!" Tawag ni teacher sa bagong student na sinasabi niya. Hindi pa namin siya makita dahil nasa labas pa siya ng classroom.
Nakatuon lang ang tingin ko sa pintuan at hinihintay na pumasok ang new student. Agad nanlaki ang mga mata ko ng pumasok ang lalaking pilit kong iniiwasan na magtagpo ang landas namin.
Agad kong iniwas ang aking tingin sa pumasok na lalaki saka binuklat ang notebook saka itinakip yun sa harapan ko para hindi makita ang mukha ko. Kainis! Anong ginagawa ng lalaking 'to dito.
Hindi ako naniniwala na grade 11 siya, alam ko yun dahil nasabi na niya sa 'kin ang edad niya. At halata naman na may pinag-aralan siya at mayaman. Kaya bakit sinabi ng teacher namin na bagong student. Piste! Matatae yata ako sa nararamdaman kong kaba.
"Please introduce yourself." Dinig kong sabi ni teacher. Sumilip ako sa nakatakip na notebook sa harapan ko para makita sana ang lalaki. Hindi ko pala dapat ginawa yun dahil nagtagpo ang tingin namin dalawa kaya agad akong nagtago ulit. Patay talaga ako.
"Hi, classmate! My name is Red Galvantez." Saad niya. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sinabi pa ni Red. Pero pumitik ang ugat ko sa ulo ng marinig kong sinabi ni teacher na sa tabi ko daw umupo si Red.
Tinanggal ko agad ang nakatakip na notebook sa harap ko saka ko itinaas ang aking kamay. "Ma'am.." sabi ko kaya tumingin sa 'kin si teacher.
"Ano yun, Mapple?" Tanong sa 'kin ni treacher. Nagkabuhol-buhol ang paghinga ko ng makita kong nakatitig lang sa 'kin ang lalaking transferee. Ang sarap niyang kutusan. Ano bang trip niya sa buhay.
"Ahm.. ano po kasi, pwesto po yan ni Hanzel." Saad ko sabay turo sa katabi kong bakanteng upuan.
"Oh, nakalimutan ko palang sabihin sainyo. Lumipat ng school si Hanzel." Saad ni teacher kaya nanlaki ang mga mata ko. Wala naman kasing sinabi sa 'kin si Hanzel. Dapat ako ang unang makakaalam no'n dahil close friend kaming dalawa.
Hindi na ako sumagot pa at tumahimik nalang. Nakita ko ang lalaking nag ngangalang Red na umupo sa katabi kong upuan. Naririnig ko din ang mga bulong-bulongan nag mga classmate ko na halatang kinikilig sa bagong transferee.
Buti pa sila.. kinikilig samantalang ako dito ay natatae dahil sa kaba ko. Goodluck nalang talaga sa 'kin